Bakit Hindi pwedeng ang 2 reyna sa 1 bahay?

Based on experience (nakabukod pero kasama mil) -Kahit sarili niyo yun bahay parang may camera na laging nakatingin sayo. Ending ikaw pa mag aadjust. -Walang peace of mind. -DIFFERENCES. kung ikaw maingat sa gamit at siya ay hindi, tahimik ka tapos maingay siya. Yun tipong katapat lang niya kausap niya pero kung sumigaw WAGAS! HAAY mag ca-clash talaga kayo. -Minsan sobra na. Yun mga bagay na dapat ikaw bilang asawa ang gagawa inaako na din niya. Hello? Kaya ko po mag himay ng malunggay! -Hindi masunod yun systema na gusto mo para sa bahay niyo. Marunong lang gumamit tapos kung saan saan na ipapatong after gamitin. -Nadadamay sa stress ang bata pati asawa mo. Hindi happy ang life pag hindi happy si wife. Sorry na dito lang kasi ko nakakapag vent out. Alam naman ni hubby na di ako komportable kasama nanay niya. Hindi naman siya makauwi ng probinsiya dahil sa pandemya. Ito lang yun way ko para mabawasan yun inis ko 😔

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Relate ako sis.. Iba talaga pag kayo lang sa bahay.. Nagagawa mo gusto mo