Naiinis ako pag sinasabihan ako ng asawa ko na pasalamat ako dahil hindi daw babae pinagkakaabalahan niya. Parang sa loob-loob ko syempre di naman talaga deserve ng mga babae yun at tsaka ano ba 2nd choice mo ba is mang babae kung hindi yan pinagkakaaabalahan mo. Para sa inyo compliment ba yon? Hook na hook kasi siya sa motor and sa online games. Feeling binata tapos yung mga kids lalaruin niya lang sa umaga saglit as in babatiin niya lang tapos tulog na siya gang pumasok na lang siya. Sa weekend busy pa din. Lahat na ng approach ginawa ko. Pero wala ako pa din talaga looser. Ayoko na idepende sa kanya kaso pag di ko na siya pinapansin sa ibang tao ako pinapalabas niya na pinapabayaan ko siya. Naddepress na ko sa case. Advice naman po please. Pampalubag loob lang. Salamat

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

for me kelangan nyo pong magusap. pero sa mahinahon na paraan kasi pag tinaasan mo sya ng boses ego nya na inaaway mo sya. so i suggest , kht nakakabwiset at gusto mo syang iuntog sa mga motor na pinagkakaabalahan nya. gamitan mo ng lambing. and yes maging thank ful tayo na hnd sila ngbababae. they have plans na hnd ntin maintndhan. i suggest iinvolve mo sya sa pag aalaga ng kids nyo. acknowledgement and compliment natin sakanila means a lot at gusto nila naririnig nila yon na sinasabe natin sa ibang tao lalo sa harap ng mga bata. wala sis ganon na tlga tayong mga babae. ganon tayo kinreate ni Lord. hinuhuli tlga natin ang sarili natin. sabayan mo din ng dasal. kung hnd mo man sya kayang baguhin kaya syang baguhin ng Lord. another thing, hinga pag naiines na. sa work, sa labas ng bahay madame na silang kaaway, like stressed sa traffic, pagod sa work mismo. pag uwe ba away pa din? tayo yung home nila so dpt paguwe nila pahinga. sana po nakatulong :)

Magbasa pa

yung asawa ko mahilig mag mobile legends. inisip ko na lang,yun ang pampawi nya ng pagod lalo paggaling sa trabaho. imbis na awayin ko,ayun nakikipaglaro din ako pati yung 8 yrs old na anak namin.naging bonding pa namin yun.tingin ko,d naman kailangang palakihin ang ganyang issue.as long as mahal nya kayo at d kayo pinapabayaan financially.iba iba kasi ng way magmahal ang mga lalaki.d mo sila kelangan manduhan sa gusto nilang gawin.always look at the brighter side of life.ang buhay mag.asawa need ng full understanding at sacrifices. hindi kailangang away agad. yung dis.appointment mo ibaling mo sa pag.aalaga ng anak mo para maging positive vibes din maramdaman ng anak mo. kaya mo yan mommy.hindi kailangang pag.awayan. be positive para sa mga anak. lagi magdasal na palagi ibless ang marriage niyo at si God mismo gagawa ng paraan para maging ok kayo.pray lang. Godbless u and your family.

Magbasa pa

Ganyan din yung asawa ng friend ko mommy. Palagi nyang sinasabi samin na buhay binata parin yung asawa nya kahit may pamilya nya. sa paglipas ng panahon na-realize naman nung asawa nya yung priorities nya nung makita nya na nahihirapan na talaga yung friend namin sa pag-handle ng pamilya nya at gawaing bahay. Sa relasyon, hindi lang dapat isa ang kumikilos. Kausapin mo sya ng malumanay mommy about sa issue. Wag mo syang pagtataasan ng boses. Ipaliwanag mo sa kanya na sa panahon ngayon, dapat pamilya muna nya ang palagi nyang uunahin dahil hindi lang ikaw ang pumasok sa pagpapamilya, kayong dalawa. Kayong dalawa dapat ang mag-take ng responsibility. Pero for sure mommy, dadating at dadating yung panahon na masasawa sya sa mga bagay na yan tulad ng motor at online games. Kapag nakita nya yung mga friends nya na umuunlad tapos sya nasa motor at online games padin.

Magbasa pa

Medyo relate ako mommy. Ganyan kasi si hubby ko, madali sya maaddict sa gaming etc. Pati sa barkada. Katwiran nya pa di naman nya kami pinababayaan financially which is true naman. Pero as a wife and a mother, hinahanapan ko sya ng mas mahabang time para sa anak namin. As in muntik na kami maghiwalay kakaaway sa maraming bagay until nabuntis ulit ako, with our second baby. Naisip ko wag na ko pa-stress sa mga ginagawa nya dahil kawawa yung dinadala ko kaya di ko na sya pinansin. Hinayaan ko na sya sa gusto nya at sya kusang nagbago lalo na nung nalaman nyang baby boy ang magiging anak nya. Laki pinagbago nya kaya ngayon medyo support ako now sa mga hilig nya.

Magbasa pa

ayoko din ng ganyan buti n lng asawa ko khit busy sa work at sa ibang bagay binibigyan nya p rin ng time ang pamilya nya sample n lng sa mga bata nilalaro nya pa din ito pag galing sa work at bgo pumasok.. binibigyan nya pa rin ng time n makapag kwentuhan kmi.. kinakamusta nya mga bata.. buti n lng responsible ang hubby ko.. Minsan nga inaaya sya ng mga ka work nya after work n mag inom minsan tumatanggi xa kc alam nya mas mhba time n wala xa sa house at d nya nkakasama mga bata...

Magbasa pa

ganyan din ang hubby ko sis... pag busy sya sa pag basketball or playstation sasabihan ako na buti nga di babae pinagkakaabalahan ko 🙄🙄 nakakainis kaya yon! but then para iwas away nalang i will try to explain na sana mas magkaron sya ng time sa baby namin lalo na kase 1st time nga namin nagpapalaki ng baby sa ngayon. Somehow nakikinig naman sya basta maayos lang pakikipag usap. Pag may chance pinapayagan ko sya para din hindi sya ma deprive sa hobbies nya ☺️

Magbasa pa

Try mo mommy muna na wag sya pagsabihan. Minsan kasi mga lalaki ayaw ng lagi kinukulit. Basta gawin mo lang yung pagsilbihan sya. Basta yung wala sya maiipintas sa yo. Baka sakali marealize nya or makita nya yung lahat ng ginagawa mo para sa pamilya nyo. Ganyan kasi ginawa nung isang kaibigan ko. And hindi ito tipong 1week lang ha. Months sya na nagpaka-dakilang asawa. Ngayon, okay na din husband nya. Nagmature na din.

Magbasa pa

Yung partner ko adik sa games na Bleach, kada uuwi sya mas inuuna nya, kaya nga pag nalolowbat sya yung other self ko naman nag didiwang kase this is my chance na magpapansin pero wa epek parin kase may power bank sya. Pero hndi naman nya ko pinapabayaan, minomonitor nya yung vitamins ko tsaka pagkain ko, bago sya pumasok naka ready na yung ulam, so kahit adik sya sa Bleach na games eh inaalagaan nya parin naman kami.

Magbasa pa

Momsh mas maganda na magusap kayo nang seryoso kasi may laman yung salitang "Pasalamat ka di babae pinagkakaabalahan ko". Bilang babae Instinct natin na magisip isip, mas maganda na panatag ka. Magdududa kasi ako pag sinabi sakin yan nang hubby ko. Nakakasama din nang loob na di ka niya matulungan mag alaga sa bata kahit ilang oras lang. Sabihin mo dapat dual effort ang pagiging magulang, di pwedeng one way lang.

Magbasa pa

Sis try to let ur husband know how u feel sa mga sinasabi nya at sa mga actions nya. Wag mo sya awayin, just talk to him and let him know how u feel pra alam nya ang side mo. Also ang marriage ay partnership yan, esp raising ur kids. Thankful ka na hindi sya ngaabala sa pangbababae pero hindi naman ksi ganun dapat since may asawa and family na sya. Try to talk to him kng pano nyo maresolve tong problem na to.

Magbasa pa