Naiinis ako pag sinasabihan ako ng asawa ko na pasalamat ako dahil hindi daw babae pinagkakaabalahan niya. Parang sa loob-loob ko syempre di naman talaga deserve ng mga babae yun at tsaka ano ba 2nd choice mo ba is mang babae kung hindi yan pinagkakaaabalahan mo. Para sa inyo compliment ba yon? Hook na hook kasi siya sa motor and sa online games. Feeling binata tapos yung mga kids lalaruin niya lang sa umaga saglit as in babatiin niya lang tapos tulog na siya gang pumasok na lang siya. Sa weekend busy pa din. Lahat na ng approach ginawa ko. Pero wala ako pa din talaga looser. Ayoko na idepende sa kanya kaso pag di ko na siya pinapansin sa ibang tao ako pinapalabas niya na pinapabayaan ko siya. Naddepress na ko sa case. Advice naman po please. Pampalubag loob lang. Salamat

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung ginawa mo na lahat sis ikaw na mag adjust. Ako gnyan din asawa ko before, naglalaro hanggang mag umaga kaya ginawa ko pa nga pinag prepare ko ng food ng madaling araw babangon talaga ako tapos minsan sinusubuan pa. magbabago din yan mag sasawa din o pwede mrealized nya effort mo. asawa m yan dapat kilala mo siya at alam mo ang ugali niya kung ano makakabuti o mapapabago mo siya

Magbasa pa

si hubby nmn naglalaro at mahilig manood sa youtube ng kunag ano ano or ng movie... pero naglalaro pa din nmn sila ng baby ko..katwiran nya kase pag nag report n ko sa work sila nmn ni baby magkassma kaya sabi sakin sulitin ko na ngaun habang naka leave ako... pero pag sa madaling araw nmn n antok n antok ako nagigising ko nmn sya para sya mag asikaso kay baby..

Magbasa pa

hindi ka nagiisa ganyan rin ung akin magssawa kalang makiusap jan hayaan ko nalang makkita mong napaka iresponsable nya kht ganun paman hndi kona masyadong inisip un ang inisip ko nlng kung ssabayan kosya kawawa ang anak ko hndi namn kakulangan sakin kung puro ako lang ang gagawa kikilos kakulangan nya un kpag nagsawa ako at iwan kona sya kasama ang anak namin

Magbasa pa

ganyan din date asawa ko mamsh. mahilig sa motor at online games. pero nun kinausap ng masinsinan, pinarealized ko sa kanya ung oras na sinasayang nya instead na ilaan nya sa anak namen. ayon, ok naman na sya ngayon..nakapag adjust na rin sya. bago sya maglaro ngayon nagpapaalam muna sya kung pwede. usap lang yan 😊

Magbasa pa

For me ok lang yung may iba syang libangan, pero not to the point na halos buong oras nya sa isang araw dun na nakalaan. Prang bisyo yan eh, dapat in moderation lang lahat. Kung nag asawa kana dapat alam mo kung pano i-balance ang work, friends, other activities at quality time. Nadadaan naman lahat sa usapan yan 😉

Magbasa pa

ganyan iddhilan ng mga lalaking gnyn kc lalaki cla e wala daw mwwla sknla. pakain mo sknya pone nya pra mbusog nmn😜😂 dpt ms may oras sa anak at asawa di ung puro laro. sbhin m rn sknya buti ikaw di rn lalaki pngkakaablhan mo kamo. sbhn m akala mo ikaw lng lalaki s mundo dpt sinisindak mo rin.

True. maswerte tayong mga babae na sa ibang bagay nahuhumaling ang mga patners naten kesa sa babae. wag kasi naten isipin in negative way ang mga sinasabi ng patner naten. minsan kasi tayong mga babae mahilig mag overthink at namimis-interpret naten sinasabi saten. usap lang katapat nyan..

ugali talaga ng asawa ko before pa kami magpakasal. iniintindi ko na lang until now. di ko alam kelan siya magbabago. kinakagastusan pa nga mga 500/month although di naman siya nagkukulang financially. emotionally medyo kasi konti lang patience niya magalaga sa baby namin.

Buti yung husband ko hndi ganyan. Kung nagkakaganyan sya towards sayo kausapin mo na ng maayos. Confront him, so ano? Babae lang palagi nag aalaga and nag aasikaso dpat? Ksi ung skin more on hubby ko talaga kumikilos khit s mga kids pag may ngigising ng gabi.

hay nko mga lalaki tlga..pareparehas lng..asawa oo nman bisyo maglasing araw araw..ung tipo pag my alak lagi cya nandun..puro stress nlng bigay sakin lalo pa buntis aq ngaun..ang hirap..hayys pero lumalaban prin.