Ganyan din yung asawa ng friend ko mommy. Palagi nyang sinasabi samin na buhay binata parin yung asawa nya kahit may pamilya nya. sa paglipas ng panahon na-realize naman nung asawa nya yung priorities nya nung makita nya na nahihirapan na talaga yung friend namin sa pag-handle ng pamilya nya at gawaing bahay. Sa relasyon, hindi lang dapat isa ang kumikilos.
Kausapin mo sya ng malumanay mommy about sa issue. Wag mo syang pagtataasan ng boses. Ipaliwanag mo sa kanya na sa panahon ngayon, dapat pamilya muna nya ang palagi nyang uunahin dahil hindi lang ikaw ang pumasok sa pagpapamilya, kayong dalawa. Kayong dalawa dapat ang mag-take ng responsibility.
Pero for sure mommy, dadating at dadating yung panahon na masasawa sya sa mga bagay na yan tulad ng motor at online games. Kapag nakita nya yung mga friends nya na umuunlad tapos sya nasa motor at online games padin.
Magbasa pa