Medyo relate ako mommy. Ganyan kasi si hubby ko, madali sya maaddict sa gaming etc. Pati sa barkada. Katwiran nya pa di naman nya kami pinababayaan financially which is true naman. Pero as a wife and a mother, hinahanapan ko sya ng mas mahabang time para sa anak namin. As in muntik na kami maghiwalay kakaaway sa maraming bagay until nabuntis ulit ako, with our second baby. Naisip ko wag na ko pa-stress sa mga ginagawa nya dahil kawawa yung dinadala ko kaya di ko na sya pinansin. Hinayaan ko na sya sa gusto nya at sya kusang nagbago lalo na nung nalaman nyang baby boy ang magiging anak nya. Laki pinagbago nya kaya ngayon medyo support ako now sa mga hilig nya.
Magbasa pa