Baby needs, lalo na pag newborn pa lang.

Nagtry kami magtingin ni hubby sa mall kanina, at medyo nastress ako kasi mas narealize ko na sobrang daming dapat bilhin na gamit para kay baby. ๐Ÿ˜… Tapos sobrang nalito kami sa dapat bilhin, like 1. anong pinagkaiba ng receiving blanket, hooded blanket, muslin blanket, at pranela blanket? At tig-iilan po ba ang recommended nyo mga sis? 2. yung hooded blanket ba eh yun na yung receiving blanket? Dalawa lang kasi binili namin na hooded blanket, di naman alam kung sapat na yun. 3. pwede din ba gamitin si hooded blanket para pangswaddle? Kasi isa lang binili namin na muslin blanket, tapos malaki pa. Balak namin na ipanlatag na lang eto sa comforter pag hihiga si baby sa crib. 4. 6 na lampin? Pwede na ba yun? ๐Ÿ˜… Balak naman naming bumili nung maliit na pack ng diaper, para di sana mahirap sa hospital pagka-anak. 5. okay lang din ba na kung pang-3 to 6mos. na sana yung bibilhin namin na damit para may allowance na agad kay baby? And tig-3pcs. each (long sleeves, short sleeves, sleeveless, pajamas, at shorts) lang sana bibilhin namin. 6. Pwede bang di na kami bumili ng strerilizer? Based sa experience nyo mga momshies? Share naman please. โ˜บ๏ธ #pregnancy #adviseplease #shareyourexperience

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1-3. same2 lang sila mi, pwede naman muslin blanket nalang instead of hooded/receiving para pwede multipurpose for swaddling din at blanket ni baby. 4. depende yan sa frequency ng paglalaba. dinamihan ko bili ng lampin kasi pwede pang cloth diaper, burp at pamunas. ang mga lampin ay pwedeng gamitin hanggang lumalaki si baby. 5. for 3-6mons okay din kasi may ibang baby na bilis lumaki. for barubaruan 6-8 pcs every kind kasi depende sa frequency ng paglalaba, si mister kasi yung naglalaba at mag isa lang ako sa bahay during daytime. 6. if may budget pwede naman pero plano ko later na ako bibili ng sterilizer kung mataas na supply ng breastmilk ko. im still aiming for unli latch. di naman kasi automatic tataas yung supply ng BM kaya depende kung gagamit agad ng bottles.

Magbasa pa