Baby needs, lalo na pag newborn pa lang.

Nagtry kami magtingin ni hubby sa mall kanina, at medyo nastress ako kasi mas narealize ko na sobrang daming dapat bilhin na gamit para kay baby. 😅 Tapos sobrang nalito kami sa dapat bilhin, like 1. anong pinagkaiba ng receiving blanket, hooded blanket, muslin blanket, at pranela blanket? At tig-iilan po ba ang recommended nyo mga sis? 2. yung hooded blanket ba eh yun na yung receiving blanket? Dalawa lang kasi binili namin na hooded blanket, di naman alam kung sapat na yun. 3. pwede din ba gamitin si hooded blanket para pangswaddle? Kasi isa lang binili namin na muslin blanket, tapos malaki pa. Balak namin na ipanlatag na lang eto sa comforter pag hihiga si baby sa crib. 4. 6 na lampin? Pwede na ba yun? 😅 Balak naman naming bumili nung maliit na pack ng diaper, para di sana mahirap sa hospital pagka-anak. 5. okay lang din ba na kung pang-3 to 6mos. na sana yung bibilhin namin na damit para may allowance na agad kay baby? And tig-3pcs. each (long sleeves, short sleeves, sleeveless, pajamas, at shorts) lang sana bibilhin namin. 6. Pwede bang di na kami bumili ng strerilizer? Based sa experience nyo mga momshies? Share naman please. ☺️ #pregnancy #adviseplease #shareyourexperience

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

4mos PP here! 🤗 yung mga blanket na yan paglabas ng baby ko halos iisa na mga purpose 😆di ko din alam bat ang daming tawag. ginagawa ko pang swaddle (pero sadly ayaw ni baby), pang sapin, pang tapis kapag magpa burp or blanket ni baby basta kung saan ko maisipan. I got 8 in total, nagagamit ko naman lahat. sa ngayon, mas nagagamit ko sya na pang sapin ni baby sa bed namin in case biglaang lumungad or tumagos ihi (co-sleeping). sa lampin ano purpose mo? kung mag diaper si baby, I guess ok na yan kung pang punas punas lang. I got atleast 15pcs, pangtapal sa breast ko for leaks and sometimes pang punas din ni baby. enough naman na kasi may mga towels din naman sya and bibs. i opt to use diaper nalang kasi mas easy and time saving. goodthing di maselan si baby 🥰 ung baru-baruan pala na binili ko is ung tig 3pcs set sa shopee. one month lang naman nagamit ni baby kasi ang bilis lumaki. bumili ako ng mga kentucky & loving couple sandos na size 2 and 4 pambahay ni baby then more on pang 9-18mos na mga damit kasi ang taba ng baby ko 😂 sterilizer, pwede naman. pinakuluang tubig will do. mas mabilis pa matuyo. kung bbli kayo sterilizer, i SUGGEST INVEST sa may dryer na. ang haba pero yan mga natutunan ko sa 4mos ✨

Magbasa pa
Super Mum

1-2. hooded, muslin and pranela can a be used as receiving blanket. the differences are material and style ( sa hooded meron sya para sa head part ni baby) 3.yes as long as mawrap si baby. pero i think fot safety much better yung muslin. kahit malaki pwede naman ifold to size. 4. depends on how you plan to use it. i only had 6 din. pero mostly for all around pamunas not for nappy use.if gagamitin for diapering, you'll need more. 5. yes to 3-6 mos. sa dami, depende sa schedule ng laba. i have almost similar numbers, every other day ako naglalaba before. depende din sa dami ng magagamit na damit ni baby during the day like if malungaran or magppoop explosion. 6. depende sa feeding. if direct breastfeeding, you can hold off buying sterilizer and wait and see if you'll need it for later. if you plan to bottle feed or formula feed, its a must hope this helps.

Magbasa pa

1-3. same2 lang sila mi, pwede naman muslin blanket nalang instead of hooded/receiving para pwede multipurpose for swaddling din at blanket ni baby. 4. depende yan sa frequency ng paglalaba. dinamihan ko bili ng lampin kasi pwede pang cloth diaper, burp at pamunas. ang mga lampin ay pwedeng gamitin hanggang lumalaki si baby. 5. for 3-6mons okay din kasi may ibang baby na bilis lumaki. for barubaruan 6-8 pcs every kind kasi depende sa frequency ng paglalaba, si mister kasi yung naglalaba at mag isa lang ako sa bahay during daytime. 6. if may budget pwede naman pero plano ko later na ako bibili ng sterilizer kung mataas na supply ng breastmilk ko. im still aiming for unli latch. di naman kasi automatic tataas yung supply ng BM kaya depende kung gagamit agad ng bottles.

Magbasa pa

Dpende sa size ni baby pag Lumabas ang clothes and sa plan mo to feed your baby. In my case, we bought only a few newborn stuff. Kung ano yung nasa hospital bag ko, yun lang talaga which are 3 sets of baru-baruan with mittens, booties and bonnets na, receiving blankets, and lampin. Luckily the baru-baruan can prolly fit my LO until 3 months given that her birth weight was just 2.7kgs, ebf ako so hindi sya yung tipo ng baby na chunky agad. Pag formula fed kasi ganon. I hope that gives you atleast the idea on what to prioritize sa clothes. Go for 0-3 months size pero only a few. About sa sterilizer, again it depends on your plan. If you will breastfeed, there's no need for it.

Magbasa pa

May sterilizer na kami before pa manganak, para ready na for baby's bottles and breast pump accessories. Yung muslin, we have 6, ginagamit naming burping cloth, swaddle, and blanket. We bought mga lampin, na dinamihan namin kalaunan dahil mas convenient sa pag-dry kay baby pag pinapalitan ng diaper, we also use it as burping cloth. Nung una tig-3 pcs mga damit ni baby, kulang pala, kaya buti may mga nagbigay, para hindi laging naglalaba. Yung receiving blanket, okay na muslin cloth. Kung may mga caps naman na, no need for hooded blanket, may swaddle type na pwede covered ulo ni baby.

Magbasa pa

1-3 is same lng depende nlng sa kung pano mo gagamitin 4 keri lng 6pcs after newborn pede xa gamiting towel or pamunas depende ndin sayo. 5 okay na ung my allowance, in my case di nko humili ng long sleeve mainit dito samin kahit naka AC if ever nmn na malamig pede ko nmn ibalot c baby ng hooded blanket or swaddle. 6 yes pede nmn na hindi knya knyang diskarte nmn, and kung plan mo mag pa breastfeed di mu talaga yan need until mag bottle feeding ka.

Magbasa pa

no.1-4 pareho lang yan lahat. 5pcs ung sa mga anak ko kasi after ng newborn stage yan na din bath towel nila. 5. oo pero I suggest kasi na 3pcs each type dhil hnd mo msabi maihian ir mataihan damit nila. saka depende if kelan ka naglalaba. 6.we never use sterilizer kasi una ebf mga anak ko. 2nd, pakulo ng water then babad lang mga food utensils nila.

Magbasa pa

ako sis di ko alam kung ano bibilhin ko. kasi sa family namin ni hubby kung ano ano na sinasabi nila na bibilhin nila kay baby kaya di namin alam kung ano pa bibilhin namin until makita namin bigay nila :D si MIL may bigay nang tie side na damit and 26 na lampin haha. then my mga hand-me downs din galing sa sister ni hubby. kaya mejo nalilito din ako sa pinagkaiba iba nung blanket 😁

Magbasa pa

2 bath towel (mas ok padin nakhiwalay to kaysa gamitin ung pranella) 3 pranella . ok na yan. ( gamitin na pangswaddle and receiving blanket na din yan) bonet,mittens.. ok na ung 4 pairs yan sa damit(set) pang newborn ok na ung 3 pairs each. tapos ung iba. pang 3 months and up na. onsies na suggest ko pang day and frogsuit naman pag pang gabi.

Magbasa pa

kami 1st tym parents ng hubby ko,di na kami bumili ng madami. un dapat at nids lang tlaga n mggmt... yan strlized? kht wag na... ibabad m nalang sa tbg un bote sa mainit na tbg...or pkluan mo.bote wag dn madami blin tama na 4_6 sa damit wag dn mdmi dhl mbls sla lmki...