How true po na need na maligo ng preggy after ng earthquake?
May nagsabi lang po sakin na kailangan daw maligo after ng lindol para mabawasan ang stress ni baby.
Nasasayo na yan mommy if susundin mo po sila or hindi pag di mo feel wag mo na lang sundin kasi imbis ok ka na stress kapa dahil dyan. Ako hndi ako naniniwala from 1st tri to 2nd tri lagi nalindol dito pero currently im 32 weeks and 5days na very healthy si baby.. Mas malakas paniniwala ko sa Panginoon momsh.. ☺️Hindi naman mga itlog mga babies natin para mabugok po, yung nerbyos at stress po yong nakakaharm sa baby..
Magbasa panatawa nga ako sa friend ko kasi pinapaligo ako. kakagising ko lang kanina 4am kasi chicheck ako sugar ko. taz lumindol. taz umuulan pa. sinabahan pa ako na maginit nlg na tubig. sabi ko myth lang. sabi nya, wala naman masama sundin ang pahiin. mbubugok daw ang bata pag ganon. sabi ko di naman super duper lakas abg lindol. nainis lang ako bigla.
Magbasa pahahahha ano yun manok? mabubugok? hahahahahah tama lang yun mamsh. pamahiin lang yun. dapat sinabi mo nalang sis salamat sa concern pero pamahiin lang kasi yan saka madaling araw maliligo ka eh anlamig lamig,baka yun pa makasama sayo kasi malamig papasok sa katawan mo ...
I don’t think totoo ito lalo na kung wala namang scientific explanation kung anong koneksyon ng pagligo ng buntis sa paglindol. I have a friend who is also pregnant na nagsabi sakin nyan pero hindi ako naligo after lindol. Medyo umiiwas ako sa mga pamahiin ng mga matatanda dahil wala na pong basehan yung mga claims eh.
Magbasa pahahahah nakakatwa naman ganyang pamahiin ano naman konek nung lindol sa nagbubuntis? natural naman lahat maapektuhan paglindol, mahihilo ka tlaga non pero walang konek yun sa bata. maigi pa uminom ka tubig pagka ganon eh mahilo hilo ka nun. pero maligo? what????? hahahha
wala na tayo sa panahon ng kopong kopong kung saan maraming pamahiin.. wala akong pinapaniwalaan sa mga sabi sabi kasi nagbebase ako sa logic at science.. walang konek ang lindol sa mga buntis no.
well said po! I agree.
Ako po momsh sa sobrang kaba naligo ako napaka lamig Lalo ako na nginig. Natawa ako sa sarili ko hndi ko Alam Kung susundin ko ba talaga o hindi pero naligo prin ako 😅
Ako po di ko alam pero sinabihan ako na maligo kanina nung lumindol kahit madaling araw pa, isa o dalwang buhos lang daw okay na. Sinunod ko nalang, wala namang mawawala😊
me too hahah
AKO DI NALIGO, AFTER LINDOL KASI MASARAP TULOG 😂 DI KO RIN SYA NARAMDAMAN HAHA! THEN CHECKY KO NGAYON. OKAY NAMAN BABY KO HEHE 36W 6D. 🙂
Ako mamsh nung buntis ako kada lindol naliligo ako dami kase nagagalit na matanda. Wala naman mawawala kung susunod sa pamahiin 😂❤️
Pamahiin po yan ng mga matatanda noong araw. maligo daw po at lagyan ng asin ung tubig. sumunod nlng wala nman dn pong mawawala🙏