Nabuntis ng Sundalo
Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki
Hi mamsh. Kelangan mo ba talaga ng sustento nya? I mean, oo kailangan ng sustento ng nakabuntis saatin at ng alaga pero baka kasi kakayanin mo ng wala yun pareho eh pabayaan mo nalang sya. Totoong mahirap manlimos ng awa at kawalan nya na rin yun kung di nya kayo pahahalagahan ng baby mo. Kung kaya mo na itaguyod mag-isa ang baby mo, kayanin mo. Kasi yung ganung lalaki, mahirap talagang asahan. Naumpisahan nya nang gawin eh, kaya nya yun gawin ng paulit ulit. Pero kung wala ka work at need mo talaga ng financial support, mahahabol mo sya. AT HINDI TOTOO NA WALA YANG PERA kasi sa totoo lang, napakalaki ng sweldo ng opisyal. Bukod sa atm, madami pang nakukuhang ibang pera yan. Kung yung may asawa nga naitago nya sayo, yung atm pa kaya nya? Mahirap na magpapaniwala sa pinagsasabi nyan, kaya dapat maging segurista ka at lakasan mo loob mo. Kung alam mo ang unit nya, lakasan mo loob mo pumunta ka dun sa kampo. Hanapin mo ang office ng provost marshall nila. Ilahad mo lahat, with evidence. Makakasuhan yan, non-support, RA etc or what. Basta be sure na wala kang clue na walang asawa yan nung nabuntis ka nya. Wag ka papayag sa settlement na magbibigay nalang sya sainyo or na sya ang magaabot. Ang mga officers, kung saan saan yan nadedestino kaya malabo mangyari yun. Dapat may allocation para sa anak mo sa sweldo nya, responsibilidad nya ang anak mo kaya wala syang magagawa dun. Maging matigas ka, wag payag ng payag sa settlement. Maging matalino ka para sa anak mo. Pag ayaw nya pumayag na may deduction sa salary nya, magtuloy ka ng kaso, matatakot yun promise dahil malaki ang laban mo. Wag kang matatakot dahil may karapatan tayo.
Magbasa paHi! Father din ng baby ko ay sundalo pero hindi na kami nagsasama. Nung una, dahil sa sama ng loob (kasi pinaasa nya kong magiging buong pamilya kami pero bigla na lang naisip niya na ayaw niya pa matali) ginusto ko siyang ipadischarge. Hindi ako magpapakaplastic kung naisip ko na kakayanin ko ba ang gastos? lalo na sa panahon ngayon na lahat ng bilihin ay mataas. Nagfile ako ng case for "child demand". Karapatan yun ni baby eh at dapat magsustento talaga siya. Harapin at panagutan niya kung ano ang ginawa niya. Ilaban mo karapatan ni baby, kung ano ang dapat para sakanya. Mataas ang sahod ng captain plus the bonuses and other receivables. Galingan mo sa paggawa ng demand letter mo. Ilagay mo doon lahat hanggang sa paglaki ni baby at pagretire niya. Pwede naman apelyido mo ang gagamitin ni baby pero nakasulat ang pangalan ni captain as name of father ni baby sa birth certificate. Pag wala kang napala, ipadischarge mo na lang. Pwedeng-pwede yun!
Magbasa paRight
Parehong pareho tayo ng situation, may anak sila pero hindi siya kasal diko dn alam saka umamin buntis na ako. Pero di talaga ako pumayag na di niya sustentuhan dahil militar siya, di pumayag parents ko i apilyedo sa kanya wag na daw ako maghabol pero ako di ako pumayag nanghingi pa dn ako sustento. Pumayag naman siya sa ganong paraan nalang. Di na ako nagsumbong sa office nila dahil nagkasundo na naman kame, isusumbong ko siya pati sa parents niya and sa parents nung babae once na di siya magsustento. Ngayon preggy ako, nag susustento siya 2k monthly. Pag labas ng baby ko ipapadoble ko sakanya, may takot dn kasi siya sa akin kaya di niya pwede takasan responsibilidad niya kahit nagkausap na kame nung babae di pa din ako nagpapatalo dahil parehas lang naman kame at di naman siya kasal. Kaya ikaw ipaglaban mo dapat mong ipaglaban para sa anak mo, wag mo na isipin pride mo dahil mas importante ang anak mo. ๐
Magbasa paWag kana magexpect na mag-stay sya sayo. Ang buhay ng anak mo ang pinakaimportante sayo, sa totoo lang napakahirap nang magtiwala sa ganyan. Magagaling yan sila magsalita. At lalo na may asawa na, layuan mo na kasi gulo lang yan. Ireklamo mo, idemanda mo mananalo ka pero mas malaki parin ang panalo ng asawa. Wag nang basta basta maniwala. Bumangon ka sis, be strong para sa inyo ng anak mo. Kaya mo yan kahit ikaw lang magisa. Di mo kailangan ng ibang tao para mabuhay, ikaw mismo ang bubuhay sa sarili mo at sa anak mo. Be wise, be strong. Isipin mo na isa kang independent woman of the phils., de joke lang. Basta be strong! Anyway, andyan lang naman ang family lagi para tulungan ka. Sila talaga ang unang una mong malalapitan sa lahat. Fight para sa baby mo. Labyu ๐
Magbasa paHindi naman siya nag eexpect na mag sstay yung guy. Ang tanging kailangan niya ay yung sustento, which is karapatan ng anak nya. At hindi sya made-demanda kung meron syang proweba na hindi nya talaga alam na may asawa si lalake. Sya pa ang pwedeng mag demanda dahil hindi susuportahan ang anak nya. Unawain na lang natin. Mahirap magisa lalo na kailangan nya ng pera pang tustos sa pagbubuntis nya hanggang sa paglaki ng anak nya.
Lahat po tau may kanya kanyang nararansan na problema yung problema mo madali lang nmn solusyonan yan d mo need humingi ng sustento pagsikapan mo maitaguyod yan magisa bakit aq 2 anak q namatay pa asawa at young age nmin pero aq bumihay sa dlwang anak q d aq humingi ng tulong sa iba pagkakamali is pagkakamali at kailangan mong tumayo patunayan mo na d mo sya need kahit na may asawa yan qng mahal ka nyan gagawa yan ng paraan lalo na may baby na sya sau qng ndi move on aq single mom pero 2 college na pinagaaral q may srili nqng bahay with my own na pagsisikap kaya mo yan lalo n andyan nmn parents mo๐๐ป๐
Magbasa paTama! tsaka ang sundalo kung saan madestino may anak yan. Better na wag ka na magpastress,kung kaya mo naman itaguyod mag isa, better.
Ang sundalo hindi talaga naglalagay ng kahit anong alahas, kahit pa yung tag nila. SOP ata yun sakanila (sa ibang bansa ganon, not sure sa Pinas) Pangalawa, madalas talaga malihim sila, lalo sa mga lugar na may bago silang nakikilala. Wala ka na pong magagawa dun sa pagbabawal ng asawa karapatan niyo po yun as a wife. Though dalawa kayong niloko ng lalake. You still have your family. Di ka nila papabayaan. Kung kaya mo magwork, magwork ka basta paalam mo lang sa OB mo lahat. Kas ang OB hinahanap din nila ang father ng baby. Kaya mo yan, Mamsh! โฅ๏ธ Lakasan mo loob mo para sa baby mo.
Magbasa paKung gusto mong habulin para sa sustento at nang may makilalang tatay ang anak mo, pwede mo pong ipaglaban ang karapatan mo. May VAWC po na poprotekta sa'yo na nasa ganyang sitwasyon. Kung kaya mo namang buhayin mag-isa ang anak mo o kasama ang tulong ng sarili mong pamilya, wag mo na lang habulin yung lalaking yon para sa sustento. Nasa sa'yo kung ipapakilala mo pa rin siyang tatay sa anak mo o hindi na. Para sa akin, siguro pag medyo malaki-laki na yung bata at nakakaintindi na, tsaka mo na lang ipakilala yung kanyang ama at i-explain ang nangyari. Mauunawaan sana ng anak mo iyon.
Magbasa paMamsh ganto gawin mo . Puntahan mo po ung opisina nya. Dont worry po malakas naman ang laban mo lalo na my asawa pala sya at nbuntis ka nya. My unit sila dun na probos . Which is pwde mo syang ireklamo. Isa lang pwdeng mangyari sa knya discharge sya sa trabaho or susustentuhan ka nya. Hingan mo ng allotment na kaht si baby mo ang nakapangalan. Auto deduct un sa payslip nya at my sriling atm. at ipa aplydo ung aplydo nya :) para kaht papano my habol ka sa mga benefits ni lalaki. Tska malaki ang sahod ng Captain. Sa agency ksi nmin ang rank ng captain nasa 100k a month. :)
Magbasa paIlang buwan kana bang buntis ngayon mamsh? Ksi my habol ka pang ireklamo sa opisina si Lalaki pag buntis ka ksi ayaw nya ideclare ung lastname nya . Unless nanganak kna at aplydo mo po isinunod. Mejo matagal na process na namn po un. Mas magnda ksi na ipush mong iaplydo nya para magka benefits si baby. Pag nag awol kasi po yan or nagretired possible na dnya sustentuhan si baby mo at dna magpakita yan.
Pagganyan po kaso momsh punta ka saang kampo sya, tas magtanong ka kung saan yung in regards ethical standard office. Dun kasi momsh pwede ka magreklamo. Basta sabihin mo lang full details mo, pati kung sino siya at yung kasama nya. Mas maganda kung alam mo buong pangalan at serial number nya. Tutulungan naman po kayo ng organization kung saan sya. Basta momsh wag ka lang papaareglo na wala kang makukuhang sustento every month. Meron naman kasing documents ang org regarding sa ganyang kaso. May karapatan ka momshkahit may asawa na sya.
Magbasa paMomshie single mom din ako naka buntis ex ko ngayon my ibang gf pero nag susustento sya kasi alam ng magulang nya ang ginawang kagaguhan nya.. at pag nange alam yung girl don na ako mag wawala jowk.. wlang right yung babae kasi gf pa lng sya ako yung my dala ng anak ng lalaki... for your case sundalo pa nmn sya if alam mo saan sya na assign punta ka don sa camp nila at e sumbong mo..mamili yung asawa nya ma dedemote or matatanggal yung lalaki sa serbisyo or mag bibigay sila ng sustento. In the 1st place d mo alam n my asawa nya..paglaban mo momshie
Magbasa pa
Momsy of 1 sweet junior