Nabuntis ng Sundalo

Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamsh. Kelangan mo ba talaga ng sustento nya? I mean, oo kailangan ng sustento ng nakabuntis saatin at ng alaga pero baka kasi kakayanin mo ng wala yun pareho eh pabayaan mo nalang sya. Totoong mahirap manlimos ng awa at kawalan nya na rin yun kung di nya kayo pahahalagahan ng baby mo. Kung kaya mo na itaguyod mag-isa ang baby mo, kayanin mo. Kasi yung ganung lalaki, mahirap talagang asahan. Naumpisahan nya nang gawin eh, kaya nya yun gawin ng paulit ulit. Pero kung wala ka work at need mo talaga ng financial support, mahahabol mo sya. AT HINDI TOTOO NA WALA YANG PERA kasi sa totoo lang, napakalaki ng sweldo ng opisyal. Bukod sa atm, madami pang nakukuhang ibang pera yan. Kung yung may asawa nga naitago nya sayo, yung atm pa kaya nya? Mahirap na magpapaniwala sa pinagsasabi nyan, kaya dapat maging segurista ka at lakasan mo loob mo. Kung alam mo ang unit nya, lakasan mo loob mo pumunta ka dun sa kampo. Hanapin mo ang office ng provost marshall nila. Ilahad mo lahat, with evidence. Makakasuhan yan, non-support, RA etc or what. Basta be sure na wala kang clue na walang asawa yan nung nabuntis ka nya. Wag ka papayag sa settlement na magbibigay nalang sya sainyo or na sya ang magaabot. Ang mga officers, kung saan saan yan nadedestino kaya malabo mangyari yun. Dapat may allocation para sa anak mo sa sweldo nya, responsibilidad nya ang anak mo kaya wala syang magagawa dun. Maging matigas ka, wag payag ng payag sa settlement. Maging matalino ka para sa anak mo. Pag ayaw nya pumayag na may deduction sa salary nya, magtuloy ka ng kaso, matatakot yun promise dahil malaki ang laban mo. Wag kang matatakot dahil may karapatan tayo.

Magbasa pa
6y ago

agree ako dito..good advice sis