Nabuntis ng Sundalo

Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag kana magexpect na mag-stay sya sayo. Ang buhay ng anak mo ang pinakaimportante sayo, sa totoo lang napakahirap nang magtiwala sa ganyan. Magagaling yan sila magsalita. At lalo na may asawa na, layuan mo na kasi gulo lang yan. Ireklamo mo, idemanda mo mananalo ka pero mas malaki parin ang panalo ng asawa. Wag nang basta basta maniwala. Bumangon ka sis, be strong para sa inyo ng anak mo. Kaya mo yan kahit ikaw lang magisa. Di mo kailangan ng ibang tao para mabuhay, ikaw mismo ang bubuhay sa sarili mo at sa anak mo. Be wise, be strong. Isipin mo na isa kang independent woman of the phils., de joke lang. Basta be strong! Anyway, andyan lang naman ang family lagi para tulungan ka. Sila talaga ang unang una mong malalapitan sa lahat. Fight para sa baby mo. Labyu 💞

Magbasa pa
6y ago

Hindi naman siya nag eexpect na mag sstay yung guy. Ang tanging kailangan niya ay yung sustento, which is karapatan ng anak nya. At hindi sya made-demanda kung meron syang proweba na hindi nya talaga alam na may asawa si lalake. Sya pa ang pwedeng mag demanda dahil hindi susuportahan ang anak nya. Unawain na lang natin. Mahirap magisa lalo na kailangan nya ng pera pang tustos sa pagbubuntis nya hanggang sa paglaki ng anak nya.