Nabuntis ng Sundalo

Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehong pareho tayo ng situation, may anak sila pero hindi siya kasal diko dn alam saka umamin buntis na ako. Pero di talaga ako pumayag na di niya sustentuhan dahil militar siya, di pumayag parents ko i apilyedo sa kanya wag na daw ako maghabol pero ako di ako pumayag nanghingi pa dn ako sustento. Pumayag naman siya sa ganong paraan nalang. Di na ako nagsumbong sa office nila dahil nagkasundo na naman kame, isusumbong ko siya pati sa parents niya and sa parents nung babae once na di siya magsustento. Ngayon preggy ako, nag susustento siya 2k monthly. Pag labas ng baby ko ipapadoble ko sakanya, may takot dn kasi siya sa akin kaya di niya pwede takasan responsibilidad niya kahit nagkausap na kame nung babae di pa din ako nagpapatalo dahil parehas lang naman kame at di naman siya kasal. Kaya ikaw ipaglaban mo dapat mong ipaglaban para sa anak mo, wag mo na isipin pride mo dahil mas importante ang anak mo. 🙂

Magbasa pa