ano ang mapang husgang mata expi mo?
Nag simula mag work abroad si hubby ko nung 2012 (3 months pa lang kami noon, sadno?) at every 2 years uwi nya. So kada vacay nya, sinusulit namin oras together. Sweet kami lalo pag sa labas, pero hindi yung OA ah. Yung HHWW lang, mga akbay or nakahawak sya s bewang ko, ganern. Minsan pag nagpupunta kami sa mall, di ko alam kung panget ba suot ko o mukha akong alien e May time na napg titinginan kami ng mga tao, alam nyo yun, yung kahit di mo sila tintignan, alam mong nakatingin sayo kasi kita pa din sa gilid ng mata mo.? Meron p nung manonood kami ng sine, umalis sa pila si hubby kasi nagpabili ako ng zagu. Yung kasunod ko sa pila, Sinundan ng tingin hubby, tas sabi.."ang bata ng gf e no..to namang girl, ang aga mag boypren boypren..di muna mag aral." Tuminigin ako, tapos tinawanan ako. Shuta tong mga to..2010 pa lang, graduate na ako at kumikita na din ng pera.. baka nga mas matanda pa ako ng 10 taon sa kanila. ? at isa pa, mabait, masipag at masinop yang si hubby. Mukha lang talagang terorista ?. May kalakahian age gap namin (he's 43 I'm 30),.pero wapakels na kayo dun. Pakialaman na lang nila kami kapag sila na nag pprovide ng needs ko sa pang araw araw yung tipong di na namin kailangang mag tiis sa LDR set up.? Hahaha g na g ako e no??
Ragnar's Mom