Kasabihan lang po ba to?

Na kapag panganay na anak dapat daw sa ospital ang check up at ipanganak?

74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi po kasabihan kundi advise ng mga doctors. kasi cmpre 1st time, we want to be sure na close monitored lahat.at hindi natin alam kung high risk ka magbuntis. mas kompleto kasi ospital kung sakali man na may mga unexpected na pangyayari. kasi irerefer ka din ng clinic sa ospital pag ganun eh. lalo pag may mga cases na need iCS.kumbaga sure ka kasi pag sa ospital. pero kung 2nd baby na alam d ka naman maselan magbuntis,pwede na sa mga lying in.at mas mura pa ang gastos.

Magbasa pa

Ndi po kasabihan yun, nasa preference mo yun bilang magiging nanay kung san mo gugustuhin at san ka magging komportable at magiging safe si baby. Aq kasi mas prefered ko hospital kasi i was 37 already when i got pregnant with my 1st ayoko makipagsapalaran antagal ko naghintay ih pero kaakibat ng pagpili mo sa hospital ang pera since alam naman natin na mahal pag sa ospital.

Magbasa pa
VIP Member

Di naman sa kasabihan pero much better sa hospital kasi first timer.. Just in case magkaron ng unexpected scenarios sa delivery natin ready ang hospital. Marami din kasi nagsasabi na based on their experience, mas mahirap magdelivery kapag first baby. At ang hospital ang makakapagbigay ng care na kailangan ng first time moms 😊

Magbasa pa
TapFluencer

Hindi naman kasabihan yan. Pinag iingat lang since first time. Mas pressured kasi pag first time at nag iingat din mga doctor baka nerbyusin ka mas ok manganak sa ospital kasi kumpleto gamit dun. Pero ako, sa lying in ako nanganak. Ok naman din kasi normal delivery ako. Pag cs, mas ok pa din ospital.

Magbasa pa
VIP Member

Hndi naman talaga siya kailangan kasi madami na akong kilalang 1st time mom pero sa lying in at center lang sila nanganganak pero if you have a doubts sa panganak mo better go to the hospital na lang if may budget naman diba. We all want the best for our baby. 😊Just sharing

VIP Member

Advise dn po Yan Ng mga doctors. Dahil nga 1st timer ndi natin Alam Kung ano pwedeng mangyari like ndi pa nmn ntin Alam Kung paano umire and other possibilities Kya mas preffered Ang hospital pra sa 1st pregnancy kc complete Ang gamit if in case na ma cs ka.

hindi po kailangan sa hospital ang check up pwede na sa mga clinics lang, pero kailangan may OB ka, (yung OB talaga hindi midwife from lying ins) yung OB ang magsasabi sayo kung kailangan sa hospital ka manganak or kung pwede na sa lying in lang.

VIP Member

May medical basis po iyan. Kasi pag first time di pa alam kung maluwag enough sipit sipitan niyo to deliver at pwede kayo ma-emergency CS. Mas matagal din maglabor ang first time moms mas madami pwede maging complication that can lead to e-CS.

VIP Member

Kaya sinasbai nila yan, kasi 1st baby mo. Mas kumpleto equipment sa hospital. At dahil 1st baby mo, wala ka pa masyado alam sa panganganak. Mas safe daw pag sa hospital. Not like pag mga 2nd child na, alam mo na yung mga dapat gagawin mo.

VIP Member

Dito sa province namin nirequired na sya na kapag first Baby hospital. Hindi ka tatanggapin sa lying in kapag first pero kung emergency na talaga tumatanggap sila pero itatransfer pa din talaga sa hospital.