problem

Hello momshiess, pasensya na di ako makatulog sa sobrang sama ng loob ko, pinagbuhatan kasi ko ng kamay ng asawa ko, sa sobrang kalasingan nya,iba sya pag lasing, di ko iniexpect na gagawin nya sakin yon dahil nangako sya sa papa ko na di nya ko pagbubuhatan ng kamay, napakasakit lang dahil umasa ako at akala ko kahit yon manlang matutupad nya, minsan nalang kami magkasama pero ganito pa nangyayari.. Nagwowork kasi sya sa ibang bansa so kakauwi nya lang halos 2days palang sya dito,. Inaawat ko lang sya kasi nagwawala sya tas yon sinampal nya ko.. 39weeks and 2days pregnant.. Pasensya na gusto ko lang ilabas sama ng loob ko

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ipaalam mo sa parents mo ang nangyayari sayo. Hindi dapat kinukunsinti ang ganyang gawain. Wag kang papayag na ginaganyan ka lang ng asawa mo. Stand up for yourself and for your child. Sa susunod na ulitin nya yan gumawa ka na ng legal action. Violence against women and children yang ginagawa nya.