16 weeks baby bump

Hello momshies! Ask ko lang kung normal ba yung laki ng tummy ko? Medyo naliliitan kasi ako sa baby bump ko ngayon. 16 weeks and 2 days preggy na, FTM po thank you sa sasagot 🤗 #firstimemom #babybump

16 weeks baby bump
34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal po malaki man or maliit ang bump. Iba iba po kasi pregnancy journey nating mga mommy. Mas maliit pa tyan ko dyan nung 16weeks ako. Hindi halatang buntis ako hangang mag 25weeks. Nung 30weeks na, ayun biglang laki, hindi na napigilan haha 🤣 halatang halata na nabuntis ako 🤣 Wag mag worry mommy, as long as healthy si baby as per you OB, wala pong dapat ipag alala. Pray lang po lagi 🙏🏻

Magbasa pa

same tayo maliit din ang tiyan kahit 19 weeks na ako. sabi ng ob ko normal lang daw po siya sa mga first time mom dahil hindi pa po masyadong stretch ang tiyan at loob natin dahil ngayon palang magkakaroon ng baby sa loob. pag second baby na daw po iexpect na malaki agad ang bump ng tiyan kahit 2 or 3 months palang.

Magbasa pa

pag 7months na yan bigla lalaki sa akin nun sobra liit til 6months pero as long as normal naman sabe OB at ok ultrasound nothing to worry since payat talaga ako before magbuntis sobra nipis tiyan ko. ngayon kabuwanan ko na malaki na ako🤣 pero sabe nila parang ang liit ng tummy ko

TapFluencer

Hi mommy, dont worry po dahil iba iba naman po ng katawan ang babae. may maliit, may malaki at may sakto lang ang laki ng tyan kung magbuntis. as long as pag nagpaoacheck up ka, tugma yung laki ni baby sa weeks nya. Godbless po.

malamang mi 16weeks palang yan nagpapalaki pa sa tummy mo si baby.. di naman agad agad pag nabuntis buo na sila agad diba... common sense naman dami nyan dto nagpopost nakakainis gusto agad malaki agad tummy kahit ilang weeks palang.. tapos pag na cs iyak iyak!!

as long as right size and weight si baby sa ultrasound, okay lang yan. Nagka-baby bump lang ako at 26-28 weeks. Even on my 31st week now, when I told the security guard at the office na galing akong bed rest, tinanong pa ko kung buntis ako. 😊

VIP Member

Iba iba po talaga pregnancy mi, noong first born ko parang wala lang talaga till nag 6 months doon na ako nagka baby bump. Pero ngayon sa second pregnancy ko, 3 months pa lang pero parang 6 months na kalaki tiyan ko hahahaha

iba iba naman ang pagbubuntis mii..wag mo stressin sarili mo 🥰 nun unang babies ko maliit den..pero ngayon 16 weeks palang malaki at halata na ❤️

Same here 16 weeks na pero parang bilbil ko lang 😅 pero wag daw ako mag worry kasi pag abot ng 5months dun daw yun biglang laki.. stay positive and eat healthy 🤗

VIP Member

mii normal lang yan makikita mong unti unti ng lumalaki tiyan mo kapag malakas at malikot na si baby sa tiyan mo at malakas kana din kumain nun😅