Breech baby

Hello momsh 👋 any tips Naman po para umikot na baby ko 7 months n sya , at maga 8 months na nextweek pero breech padin sya based sa ultrasound ko , nattakot lang kasi ako baka di na sya umikot last trimester na Kasi , Thank you in advance 😊

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May nabasa akong article sa last month ng pagbubuntis mo, every morning, humiga ka ng nakatihaya,lagyan mo ng unan sa may balakang o pwet dapat mataas ang balakang pag nkatihaya kaysa sa ulo gawin mo ito 2 beses isang araw for 10 minutes..Advice pa nga dapat e check / magpa ultrasound every week.😊

VIP Member

Mamsh, same po tayo 31 weeks na ako and Breech din Baby ko. As per OB, advice nya maglagay ng unan sa puwetan 30mins before ka matulog para may tendency pa umikot si Baby. Ganon po ginagawa ko and hoping na maging okay na by next ultrasound ko. First time Mom here. God Bless!

higa ka po lagi sa left side, malaking tulong un sa pg ikot ni baby .. pailaw ka din sa bandang puson, mga 30 mins bago matulog kasi sumusunod si baby sa ilaw .. breech dn po akin nung una, un lang mga ginagawa ko, cephalic na po sya ngayon .☺️

VIP Member

Same mommy. I'm on my 32weeks. Nood ka po sa youtube ng ways para mapaikot si baby into cephalic. Or everyday ka magpasound/light sa bandang puson mo para sundan ni baby. Praying for us mommy na iikot pa si baby.

same po tayo checkup namin sa sunday sana umikot na si baby pa 8 months na din ako...sa ngayon ang ginagawa ko is mag play ng music sa may bandang puson pero kung di pa daw iikot baka ma CS

Breech din ako turning 34 weeks na, sabi nang OB Ko scheduled ultrasound ako sa ika 37 weeks kung breech pa din si baby kailangan nya na ako ischedule for cesarean section.

Super Mum

Don't worry, iikot pa po yan mommy. Magtapat lang po kayo regularly ng lights and music sa bandang puson nyo para yun ang sundan ni baby. Best of luck momsh! 💛

Left side lng lgi higa mo mommy at kong nkatihaya ka pailaw kalang flashlyt galing taas papuntang baba khit 4 to 5 mins lng every nyt.

si baby ko po music lang lagi sa bandang puson and kausapin lagi para umikot 🤗 breech to cephalic na si baby ko as per ob ko

Super Mum

try nyo po patugtugan ng music si baby. lagay nyo po yung source ng sound sa bandang baba ng puson.