#1stimemom #firstbaby #theasianparentph I just want to share my birthing experience. 37 weeks and 3 days nung nanganak ako sa baby girl ko Sept . 23 ,2020 -3:30pm . Monday that week nagpaconsult ako sa ob tinatanong niya ako kung may hilab na akong nararamdaman sabi ko meron doc pero parang sakit lang ng puson pag may regla tsaka madalang po . Same day dumating yung mother ko galing Bulacan since nakatira na ako sa Laguna para matulungan ako pag nanganak ako . Tuesday sumasakit puson ko same nung una parangay regla lang pero maya't maya na yung sakit kaya hinayaan ko lang. Around exactly 12 midnight Wednesday bumangon ako sa higaan kasi naiihi ako habang naglalakad papuntang cr ramdam ko na sobrang sakit na niya and then naisipan ko na orasan yung interval dun ko naisip na possible early labor stage na ako kasi yun ang signs na napanuod ko sa youtube. Sabi ng asawa ko dadalhin na daw nila ako sa ospital sabi ko wag muna kaya ko pa naman tiisin baka pauwin lang ako. So yun nga tiniis ko yung sakit pinapasok ko pa sa work yung asawa ko ,pero that time nakapag text na ako sa ob ko and nakapagprepare na ako papuntang ospital. 10am that day pumunta akong ospital for check up kay ob kasi nga may contractions na ako pag ie sa akin sabi ni doc 6 cm ka na tara sunod ka sa akin. Pag sunod ko kay doc dinala niya na ako ng er for confinement na pala ako . Sa er ako naglabor kasi mabilis daw progress ng cm ko baka daw pag sa room nanganak na pala ako ng walang nakakaalam. Then yun labor ako dun kasama mother ko as a support since wala pa asawa ko. Around 1:45 pm ramdam ko na sobrang sakit na pag ie sa akin 10cm na daw so diretso na ako sa delivery room . That time humihilab tyan ko pero biglang nawawala parang hinihintay ng baby ko na dumating papa niya bago siya lumabas 2pm kasi out ng asawa ko sa work then around 3:30 nasa ospital na siya due to travel time pa . Exactly 3:30 pm nung lumabas ang baby ko . Yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko . Mga ginawa ko habang buntis. 35 to 37 weeks naglalakad ako pagkagising na pagkagising sa umaga. pagtapos maglakad pineapple juice in can habang nakasquat. squat pag may time . kegel exercise meron sa youtube pwede sundan . kausapin si baby lagi na pag gusto niya na lumabas sige labas lang siya. and additional wag matakot makipagsex sa asawa nakakatulong yun para bumukas ang cervix.
Read moreMy Orders