BREASTMILK

Momsh ask ko lang sobrang desperate ko kasi na makakuha ng 1-2 ounce na breastmilk para kay baby pinagsalit salitan ko ipump yung left and right breast ko with the same pump every 10 mins? Naaawa na kasi ako sakanya kasi wala siyang mainom di ko siya mapainom direct kasi nagkasugat na nipples ko at sobrang sakit? hindi ko po alam kung pwede yung ginawa ko sobrang nagwoworry po ako.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May I know ilang weeks na kayo? If gusto nyo po mag power pump, eto po ang tamang way.

Post reply image
5y ago

Hindi totoo na wala siyang mainom, meron kang gatas. It's just that, colostrum pa kasi ang nakukuha nya na hindi tumutulo kaya akala mo walang gatas. Malagkit kasi yun, as long as may output si baby (poop and wiwi) ibig sabihin may nakukuha siya sayo. And isa pa, napakaliit lang ng tiyan ni baby, kasing size pa lang ng kalamansi so kung anuman ang nakukuha nya sayo enough yun.

Add ko lang din ito for your reference. 😊

Post reply image