paligo
Mommies. Any tips naman jn sa pagpapaligo ng mga newborn babies nyo. Ako lang kasi magisa magpapaligo and d ko alam pano sisimulan hahaha ?
Ulo po muna. Tapos ibalot mo katawan nya. Swaddle mo po muna. Tapos saka mo ipitin sa gilid mo yung katawan nya para mauna mo ulo. Hawakan mo tenga nya ng daliri mo para matakpan tupiin mo tenga nya para hindi pasukin ng tubig. After non katawan na kasunod. Maligamgam na tubig po dapat. Siko ang gamitin mo sa pagsukat ng temp ng tubig. Para malaman mo kung masyado ba mainit. Manood ka sa youtube meron dun tamang pagpapaligo ng baby.
Magbasa paMamsh bili ka ng bath tub para kay baby, ung may kasama nang higaan. Madali lang magpaligo if you have the right things sa pagpapaligo. Mabilis lang din dapat ang pagpapaligo. Wag mainit na tubig sa ulo. Sa katawan wag masyadong mainit ang tubig
12 days old pa lang baby ko momsh may bath tub and higaan naman sya kaso malaki masyado sknya ung higaan tapos elevated pa ung bandang ulohan kaya nalalaglag sya.
mom of two lovely girls