Sweet cravings

Mommies, sino dito mahilig kumain ng sweets during pregnancy? From first tri to my third trimester kasi hilig ko mag sweets almost everyday 😟 worried ako baka malaki na si baby inside my tummy 😥 I'm on my 33w of pregnancy.

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako rin huhu, hindi na ata nawala sa sistema ko yung sweets pero binabawian ko na lang tlga sa tubig haha bawat kain ko ng hindi dapat masobrahan like maalat or softdrinks, right after ko kumain or uminom sinusundan ko na agad ng maraming inom ng tubig, para iwas na rin sa sakit sakit. Nababahala pa ako pag kakain ng sweets gawa nga ng yung mom ko is diabetic at di ko pa nagagawa yung lab test na 75g ogtt kasowala eh, hirap alisin sa sistema huhu.

Magbasa pa

me po, pero pinipilit ko talaga na immoderate lng.. kahit minsan ang hirap😅 ang hilig ko pati ngayon sa chocolate at ice cream.. uhaw na uhaw din ako sa cokefloat.. tapos ngayon nagke.crave naman ako ng halo.halo, cake at leche plan🤣🤣 binabawe ko nlng sa tubig.. kahit magpabalik balik ako sa cr kakainum tubig..mahirap na baka tumaas kc sugar ko at bka lumaki masyado c baby..

Magbasa pa

same here.. to make sure na ok ang Sugar ko, nag pa Fasting Blood Sugar yung doctor ko... so far, thank God, Normal naman... so since anticipate ko na malakas ako sa Sugar, i make it sure na iinom talaga ako ng Madaming madaming tubig, pam pawala ng guilt 😅 at the same time, damihan lang talaga ang fruits, kapalit sa bad sugar intake tulad ng chocolates, candies and cakes..

Magbasa pa

Are you monitoring your blood sugar momsh? Ako din ang hilig ko sa sweets nung nag buntis ako pero naging extra careful ako kasi blood sugar ko tumataas😞 7 months pregnant ako nirefer na ako ng OB ko sa endo. Kaya eto naka strict diet na. Careful lang sa matatamis kasi nakakalaki din sa baby yan.

ako buong pregnancy nakain ng sweet haha wala naman nangyare kasi malaks din ako sa tubig at saktong dami lang ng sweet siguro tikim tikim lang, maliit lang tyan ko nagbuntis gulat ako malaki pala baby ko nahiwaan nako napunitan pa sa pag labas nya maliit pa sipitspitan grabe hirap pero worth it.

VIP Member

Me 🖐. Halo halo, ice cream, chocolate cake.. 😊 buti di tumaas sugar ko. Sakto lang naman laki ni baby. 2nd trimester ko natodo yang mga yan kase di ako makakain nung 1st. Tapos nung 3rd, pinagjeta na ko ng asawa ko. 😊

4y ago

Everyday pa ko nakain ng polvoron sis.. matamis din un.

Me guilty sobrang hindi ko kayang pigilan hindi kumain ng sweets.. From 1st tri til now n 3rd tri panay kain ako ng cakes, ice cream & chocolates. Dati na kasi akong mahilig mag eat lalo ngaung buntis ako. 🤦‍♀️

ako grabe, naiiyak ako pag di ako nakapag milk tea, donut, cake, ice cream and konting chocolate. pero naghinay hinay ako kasi mahirap baka tumaas blood sugar magkadiabetes pa.. pwede naman yan basta in moderation

4y ago

oo sis may awa si God sana nga girl na yang sayo. ako ok na ko sa 2. panganay ko boy tapos itong pinanganak ko last june girl na. mahirap kasi buhay ngayon ayoko na dagdagan dami ng gastos tapos asawa ko lang may work.

Me! Everyday milo, chocolates, cake etc. Halos lahat ng matatamis haha buti na lang ok lang si baby sa tummy ko noon. Hindi din mataas ang sugar ko pero pag dating ng 3rd, paonti onti na lang haha.

Mee 🧏🏻‍♀️ chocolates, ice cream, milk tea, cakes 😋😬 36weeks now and 2.8 kg si baby tummy ko 😊 less carbs po ako sa gabi. Sakto nman daw po ang laki at bigat as per my ob 😊