SWEETS Cravings

Hi mommies! Help naman po. I'm currently 24weeks preggy. Super adik ko sa sweets as in maya't maya nakain ako ng cookies, oreo, cream-O, mamon, etc. Tapos everyday ako naka Milo. Hindi ko mapigilan sobrang un talaga hinahanap hanap ko. Nagpa FBS ako and normal naman lahat. Should I be worried about my cravings mga mamsh? ๐Ÿฅบ#pregnancy #firstbaby Edit: Talked to by OB na po regarding OGTT. Sabi niya since normal ang FBS ko and normal size ni baby sa recent ultrasound, sa ika 28-30th week na daw ako magpa OGTT. Thank you mommies! Nagbabawas na ako now ng sweets. ๐Ÿ’œ

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes maging worried ka sa sugar mo mi. Usually 28wks biglang taas ang sugar. Ang sweets nakaka laki ng bata. nakaka cause ng defects. Pwedeng magka type 1 diabetes si baby, pwedeng maapektuhan ibang organs, pwedeng lumaki ng sobra si baby at di ka na magkakaron ng chance mag normal delivery, pwedeng mag preterm labor. Di ako nananakot mi. Minsan na kong nawalan ng baby at 4months dahil sa taas ng sugar ko. Tumigil na lang bigla heartbeat nya. Masaya ka nga at nakakain mo cravings mo pero isipin mo mi anak mo nag susuffer sa loob. Kaya ngayong buntis ako ulit kahit anong crave ko ng cake, ice cream, chocolates, iniiwasan ko talaga. Mas makakatiis ako, kesa magkaron ng problema baby ko. At naka insulin nako ngayon. 4x a day monitoring ng sugar. Napaka gastos. Madalas normal ang fbs pero sa ogtt nakikita kung may gdm. Magpa ogtt ka mi. Ganyan na ganyan ako non. Kada magutom cookies, kanin, ice cream, sampalok. Ayun ako din ang siningil ng kapabayaan ko.

Magbasa pa

yes.. actually yung cookies palang di na healthy yun kainin kahit di buntis. junkfood ang cookies. fbs is wala pong bearing. dapat ogtt po ang pagbasehan nyo. di po maganda pag tumaas ang sugar nyo at di macontrol pwede po magcause ng stillbirth o bigla na lang huminto heart ni baby nyo sa loob ng tyan kasi distress po sila sa taas ng sugar.. kaya control po. much better na fruits po kainin nyo at gulay plus minor pregnacy safe exercise kung kaya po.. tiis tiis na alng po kesa magsisi po bandnag huli.. nawala na ko ng baby at 32weeks. ang hirap, ang sakit... sisisihin mo sarili mo pag wala na..

Magbasa pa

mommy medyo bawas bawasan ang kain ng sweets, ganyan din ako, same tayo 24 weeks and 3 days ako ngayon. nagpa ogtt ako dati pero normal naman, pero binigyan ulit ako ng request ni ob na magpa ogtt on my 26th week kasabay ng cas ko. kada magugutom ako, sweet snacks ang kinakain ko gaya ng hansel, buttercream, nissin chocowafer, at last week nga naubos ko ang isang 165g na cadbury sa isang kainan lang. nanotice ko na nilalanggam lahat ng used undies ko, and when I searched about it, ang sabi early signs daw yun na may Gestational diabetes ang isang buntis.

Magbasa pa

Bawas Bawas ka po pag nasa 3rd Trimester ka na. Kasi po ako nung nasa ganyang Weeks, Ang Takaw Takaw ko din po sa Sweets. Like, Chuckie, Cookies, Milk Tea, Ice Cream๐Ÿ˜„ Nung Day na Manganganak na pala ko, nag Milk Tea pa ko nun๐Ÿ˜„ nag Crave ako eh. Pero 1 Hour lang po ako nag Labor then 30 Minutes lang ako Umire. 2.8kg lang din Baby Boy koโ˜บ๏ธ Bawas Bawas ka na lang po pag nasa 3rd Tri. ka na then Lakad Lakad, 1 Hour to 2 Hour Everyday then Samahan nyo na din po ng Squat 10x๐Ÿ’™

Magbasa pa

Mag bawas bawas ka na sa sweets, sinasabi ko sayo sis. Hahaha ganyan na ganyan ako sa first baby ko, akala ng ob ko nung nailabas ko na si baby e GDM ako dahil malaki si bby paglabas, 3.7kgs pero hindi, di ako GDM. Napalaki ko sya dahil sa hindi ko pag control ng knakain ko, ma rice ako at ma sweets ๐Ÿ˜… kaya itong 2nd pregnancy ko, hanggat kaya ko control ako sa sweets dahil ang hirap po umire ng malaking sanggol, medyo trauma ako sa tahi ๐Ÿ˜… 28wks na ako now.

Magbasa pa
2y ago

Ogtt momsh. Di ka pa ba nirerequestan ni ob mo ng ogtt?

nakakatakot pala ang too much sweet ๐Ÿ˜ญ mag lessen na din ako. 21 weeks here stick nalang ulit ako sa naksanayang oatmeal,wheatbread,prenagen, marang gulay at prutas wala pa akong OGTT e pero nakakatakot ayoko mag suffer at ayoko din mgsuffer si baby ๐Ÿ˜” salamat sa mga nagpayo kay mami, pipigilan ko din sarili ko... Pero mga mi ask ko lang okay lang ba kumaen ng kamote? like gagawing french fries na kamote pero walang coating? mejo matamis din kase ang kamote e... salamat po โ˜บ๏ธ

Magbasa pa
2y ago

Okay lang mi kasi natural naman un. Para ka lang din nag prutas. Pero of course anything too much is not good. Eat in moderation pa din . But it is healthier kesa kumain ng biscuits.

TapFluencer

hi mommy! okay lang po kung magcrave kayo ng sweets pero kung may alternative sana like dates, para di po magspike ang sugar nyo. i moderation po dapat ang sugar lalo sa atin na buntis. maliban po sa gestational diabetes baka sumobra po laki si baby kayo din po mahihirapan pag manganganak na kayo. ๐Ÿ˜Š. nahilig din ako sa sweets pero nilimit ko sarili ko. pag di ko kaya pigilan tutulugan ko. ๐Ÿ˜†

Magbasa pa

You can eat naman in moderation sis, newly diagnosed with gdm ako pero hindi naman binawal ni ob yung mga sweets makakasama lng daw if everyday or mayat maya kumakain ng ganon ang pinaka inavoid nya sakin is milk tea lahat naman daw ng sobra ay masama pero if tikim tikim lang para masatisfy ang cravings ng buntis okay na yon. Be mindful lang sa dami ng kakainin specially sa sweets ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
2y ago

Ako nag mimilktea super minsan pero 0-25% sugar lang. Di ko din nauubos. Minsan nakikiinom lang ako kay hubby. Mabawasan lang cravings. I think ok lang naman if super minsan lang and wag naman 100% sugar ๐Ÿคฃ

@35 weeks sobrnag lakas ko sa mga ganyan isang balot na fudgee bar isnag araw sakin take ka nalang ng maraming water nakaka 2 liter a day kasi ako wala naman ano sa sugar ko nung nag pa laboratory ako and saktong sakto lang weight nya sa edad nya thanks talaga mahina din kasi ako sa kanin kaya siguro di sya masyado lumaki

Magbasa pa
2y ago

Di basta basta nadadaan sa tubig lang yan mi. Maswerte ka na di tumataas sugar mo pero hindi applicable to all yan. Wag na po itolerate yung iba at sabihin na mag water nalang

Bawasan mo po ang sweets mi. Kasi ako nagka-gestational diabetes ako dahil ice cream and doughnuts ang kinahiligan ko nung nagbuntis ako ๐Ÿ˜… Ayun, nung nalaman sa FBS na mataas sugar ko, pinag diet talaga ako andaming binawal sakin at ang laki ng baby ko, 4.20kgs sya. Buti nainormal delivery ko pa.