The reason why mas attach si baby sa yaya kasi si Yaya yung nakilala na caregiver niya. Hindi ibig sabihin na hindi ka niya kilala, mas may attachment lang siya sa tao na mas mataas ang time makipag usap laro and mag alaga. I understand po na nagwowork kayo for finances, meron po way niyan, spend more time kay baby, talk to your baby more, hindi talaga maiiwasan na ganyan nararamdaman mo at valid po lahat yan. The more you play and spend time with your baby the more siya ma attach sayo. Nasa stage pa kasi yung baby mo mag develop ng relationship kaya di maiwasan excited sya sa nagbabantay. Hindi talaga solution mag stop ng work if alam mo na need niyo, but kong kaya naman ni mister, pwed po muna kayo magstop. Wag niyo po pagsabayin lahat2 buntis din po kayo makaka apekto po siya.. Build po a routine with your baby.
Big hug po. mahirap po talaga yang sitwasyon niyo. Siguro po dahil masyado pang bata anak niyo, 9months pa lang kaya ganun siya. Mas close siya sa taong mas madalas niya kasama. Try niyo po more bonding time pa kay baby, kausapin niyo rin po siya palagi. Iparamdam niyo po sa kanya na kayo ang mama niya, na love na love niyo po siya. Mas mabuti po kung iopen niyo po sa husband niyo itong nararamdaman niyo. Normal lang na maiiyak kase yun talaga ang nararamdaman niyo. Siguro naman maiiintindihan kayo ng husband niyo. Malay niyo, meron palang maitutulong ang husband niyo sa problem niyo na to. Yun lang po. Salamat!😊
I suggest mi na wag kang titigil sa work hanggang kaya mo po kasi mahirap naman na attached nga si Baby sayo pero hindi mo naman mabigay yung mga needs nya, walang makakapantay sa pagmamahal ng Ina dahil ikaw ang mismong kasama nya nung nag dedevelop pa lang sya sa tyan kaya never ka nya makakalimutan, mas mahirap po ang walang work sa panahon ngayon lalo at mag 2 na kids mo. Wag mo lang kalimutan mi bumawi pag tapos mo na manganak at naka recover ka na, sa ngayon konting tiss at sakripisyo lang muna para din sa baby mo sa tyan. Big Hug mi 🤗
mas attached kasi feelings ni baby sa taong nakakalaro at nag aalaga sakanya. pero mii at 9mos old ng baby ko kahit attach sya saakin, super daldal nya din kahit sa kapitbahay na tuwing bibili lang naman sa tindahan ng mother ko saka sila nag kikita. nilalaro kasi nila, kinakausap, pinangingiti, siguro yun yung dahilan kaya sya na attach even sa kapitbahay. siguro di lahay ng baby parehas, pero quality over quantity sa time lang siguro yan mii,
normal lang po yan momsh na medyo lalayo sayo ang loob ng baby mo kac dimo siya masyadong nabigyan ng lambing at attention kac need ng baby talaga aruga at alaga mo, pero sa case mo medyo mahirap nga kac nasundan agad tas nagwowork kapa, ang mahalaga nakikita mo araw araw c baby at cguro din kapag okay kana mas maganda katabi moyong baby sa gabi kac yon ang pinaka importante maramdaman niya na nandiyan ka at maamoy karin niya.
gnyan din ako sa first born ko..may work din ako at ate ko ang nag aalaga pag nasa trabaho pero pag umuuwi ako galing work I make sure na nakakapaglaro kami at nakakapag bonding kaya ako parin hinahanap niya pag nasa bahay ako..pero close din siya sa ate ko at naiintindihan ko yun..nung una nagseselos ako pero nung lumaki siya nakilala na niya ako na nanay niya 😊
Ganyan talaga mii Pag working Mom ka. malayo talaga loob ni baby lalo na hindi ka niya nakakasama at nakikita araw2.. cguro oras na mii para mag fucos ka muna kay baby hirap kasi pag nag 1 year old na c baby baka mas lalong lalayo na talaga loob niya sayo mii..baka mahirapan kana pag kayo nalang magkasama... advice ko lang mii😊
sa part Naman namin ni baby mhie, ako sa Bahay lang SI mister working. pero excited SI baby Makita daddy nya, Kasi every time umaalis or uuwi daddy nya, Hindi nawawala yung hug at pakikipag usap Ng Asawa ko sa anak nya, talagang kahit one month up to now kinakausap lang Ng kinakausap lang ni mister SI baby.
Nothing to worry Asawa ko nga ofw halos 1 buwan Lang sa 1 Taon nya makasama anak namin sa loob Ng 3.5 years . Halos ang kinilalang magulang ng anak namin eh yung lolot Lola nya pero nung desisyon Kami mag asawa na magsettle dito sa ibang bansa 3 months Lang ang pagitan sobrang clingy na nya sa mommy nya.
valid yang feelings mo mhie ,ganyan din po ako dati mas malapit sa taga alaga ang baby ko pero nitong lumalaki na siya makikila ka pa rin po niyan make a routine po na magplay and may bonding time tapos lagi mo po pakita mga pic nyo na magkasma kasi mag instill sa mind niya po na ikaw mommy nya.