DI AKO KILALA NI BABY PERO AKO ANG MOMMY
Hello mommies! Need ko po words of encouragement. Respeto lang po. Wala kasi ako makausap. Nahihiya ako mag open up sa mga kaibigan ko dahil magaling sila sa pagiging nanay. 9 months na si baby pero kapag binibisita ko sya sa kabilang kwarto, parang dibiya ako kilala kahit kami naman magkasama matulog every night. Di sya excited sakin. :( After 1 month kasi need ko magtrabaho para makatulong kay mister magbayad ng mga utang nung nanganak ako. So kay yaya sya sa umaga, then buong gabi lang sya sakin. Tapos nung 4 months na si baby, nabuntis ulit ako. Tapos mabilis ako mapagod sa 2nd pregnancy ko. Mas need ko tulong ni yaya. Di pa din ako pwede tumigil sa pagtrabaho kasi may bahay pa kami na binabayaran, binili namin this year nung nalaman namin may baby kami. Need ko tumulong sa pang araw2x na gastusin. Gusto na kasi din namin bumukod kasi nakaka-stress na family ni mister. Pala desisyon masyado. Gusto ko lang malaman na kilala pa din ako ni baby. :( Need ko po ba tumigil sa trabaho para hands on na ako sa dalawang anak ko? Hirap kasi tumigil sa trabaho, hindi ako magiging kampante na si mister lang sa lahat ng gastusin kasi what if mawalan sya trabaho? Sino tutulong financially? Naiiyak ako kung ayaw ako pansinin ni baby. Mas masaya sya sa yaya niya. Tapos ako kapag nagbabantay sa kanya buong gabi, mabilis ako mapagod, mabigt na din kasi tiyan ko. 😔 Wala lang akong mapagsabihan kasi pag nag open up ako, iiyak lang ako ng iiyak. Respeto lang sa comments haaa. 🙏🏼