Yaya for baby
I'm half hearted about getting a stay out yaya for my 4 month old baby. Currently, si mom ko ang nag aalaga pero by March papasok na sya ng work. By that time, 6 months na si baby. Work from home kaming mag asawa pero syempre di namin sya mabibigyan ng attention habang nag wowork. Exclusively breastfeeding din ako so pag gutom sya, saken din naman sya. Stay out yaya ang kinukuha sana namin if ever, taga barangay lang namin tapos 7am-5pm lang sya. Medyo alangan ako kasi di naman namin personally kilala and nabanggit nya na di nya kaya pag iyakin yung bata. Wala lang talaga kaming choice na iba kaya kinukuha na sana namin sya. I want to know po if by 6 months ba, kaya na maglaro mag isa ni baby? Magstay lang sya sa same room kung san kami nagwowork kasi kahit may yaya kaya iniisip ko if kaya na ba without an extra person. #advicepls #advicemommies #firsttimemom