DI AKO KILALA NI BABY PERO AKO ANG MOMMY

Hello mommies! Need ko po words of encouragement. Respeto lang po. Wala kasi ako makausap. Nahihiya ako mag open up sa mga kaibigan ko dahil magaling sila sa pagiging nanay. 9 months na si baby pero kapag binibisita ko sya sa kabilang kwarto, parang dibiya ako kilala kahit kami naman magkasama matulog every night. Di sya excited sakin. :( After 1 month kasi need ko magtrabaho para makatulong kay mister magbayad ng mga utang nung nanganak ako. So kay yaya sya sa umaga, then buong gabi lang sya sakin. Tapos nung 4 months na si baby, nabuntis ulit ako. Tapos mabilis ako mapagod sa 2nd pregnancy ko. Mas need ko tulong ni yaya. Di pa din ako pwede tumigil sa pagtrabaho kasi may bahay pa kami na binabayaran, binili namin this year nung nalaman namin may baby kami. Need ko tumulong sa pang araw2x na gastusin. Gusto na kasi din namin bumukod kasi nakaka-stress na family ni mister. Pala desisyon masyado. Gusto ko lang malaman na kilala pa din ako ni baby. :( Need ko po ba tumigil sa trabaho para hands on na ako sa dalawang anak ko? Hirap kasi tumigil sa trabaho, hindi ako magiging kampante na si mister lang sa lahat ng gastusin kasi what if mawalan sya trabaho? Sino tutulong financially? Naiiyak ako kung ayaw ako pansinin ni baby. Mas masaya sya sa yaya niya. Tapos ako kapag nagbabantay sa kanya buong gabi, mabilis ako mapagod, mabigt na din kasi tiyan ko. 😔 Wala lang akong mapagsabihan kasi pag nag open up ako, iiyak lang ako ng iiyak. Respeto lang sa comments haaa. 🙏🏼

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay pa yan, Masyado pa maaga para di ka niya kilalanin bilang ina. Kapag 1-2 years na yan makikilala ka as your Mom. Take your time lang po and enjoy sa work huwag masyado ma pressure lalo at buntis din po kayo. Time will come, proud pa yan sayo na ikaw ang Mom niya.

big hug sayo Mamsh it's a process need lang na magbigay ka pa ng extra time kay Baby. Play with your baby,basahan mo ng mga stories,bond kayo tuwing day off mo. and since preggy ka din tell din kay Hubby what do you feel para alam nya at makatulong din sayo.

Ako iniwan ko c baby 2months pa lng sya para magabroad, ngyon 9 months na sya, tinanggap ko na na ndi sya ganun kalapit sakin. Basta maibgay ko needs nya. Mas kaya ko tiisin ung lungkot kesa ndi ko kaya ibgay sa knya ung mga kailnagn nya.

same experience lola niya ang nag alaga sa kanya pag umuuwi wala lang pero ginagawa ko lahat para may attachment until nagdecide ako magresign tas hanap muna part time para kay baby kasi ayoko totally malayo ang loob sakin.

VIP Member

Ipon ka po muna mhie. then tsaka ka mag spend time sa baby mo. Tulungan kayo ni yaya, ok yan na nag wowork ka kasi oara nmn yan sa kanila. tapos pag laki e dun ka bumawi ng todo. Mas ok na napoprovide mo needs nila

make time,take time para kay baby para ma feel niya na ikaw mommy niya.. kahit pagoda tayo mommies we make sure talaga kahit papano na maparamdam natin sa kanila na andiyan tayo para sa kanila.

Tigil ka muna po, kase sa stage ng mga baby na yan dyan sila naghahanap ng attention. Mas nabibigyan mo sila atensyon mas malapit sila sayo, para nadin mas makilala mo baby mo.

As a working mom ramdam ko to, pero yung baby ko lumalapit pa naman din saken. Ganito kasi, pag rest day ko i spent time with my baby tapos sa mga gawaing bahay iba na gagawa.

Ayaw nyo po mommy try mag-VA jobs para sa naka work from home na lang po kayo tas expose pa rin po kayo sa mga babies?

Same with my experience sa first born ko mii. Kapit lang para sakanila din naman to sacrifices natin 🥰