Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom of Hannah Cielle Carrido
Walang kain.
Mga sis. Makakaapekto ba sa baby kapag buong maghapon walang kain Hindi na Kasi ako inasikaso ng Asawa ko kahapon. (Low lying placenta Kasi ako kaya bed rest) Bali morning kinain ko lang tinapay at Milo, lunch Wala, merienda soft drinks at chichirya, dinner Milo lang. Hindi na rin ako nakainom Ng vitamins ko
Buntis 2nd baby (ibang iba sa 1st pregnancy)
Mga mhie sino Dito buntis kagaya ko, sa unang pregnancy ko napakasmooth lang lahat pero ngaun 2nd grabe Ang sakit Ng ulo, yung pakiramdam na laging antok, tapos buong maghapon masama pakiramdam nahihilo l. Grabe din ACID REFLUX ko.
Need your advice CS mom with 1yr old baby
Mga mhie may problema ako. pero Kasi June, July, august nagkaroon ako eeh, tapos once lang kami nagsex ni hubby Nung after Ng men's ko, kaya nagpatuloy ako sa pag inom Ng pampapayat na kape, BIOFIT tea, nagpaxray pa ako at laboratory Kasi nagkaroon ako Ng muscle pain, nagpabraziliian hair tapos ilang weeks na din na nakakapanaginip ako na baby na naiyak. Tapos kanina nagPT ako patak lang Ng ihi tapos Ang bilis mag positive. huhuhu. natatakot ako na may halong pagsisisi Hindi dahil sa buntis ako kundi dahil sa mga diet na ginagawa ko
Makating ari
Mga mhie. Sino Dito nakaranas na. Panay ihi. Yung tipong kakaihi mo lang feeling mo may lalabas ulit na ihi. Tapos nakapag hugas ka Naman gamit betadine fem wash pero sobrang kati pa rin Ng pempem. Any advice?
Walang GANA mag milk Ang 6mos old baby ko Po, 1oz lang Siya every feeding time nya
Wala Naman lagnat SI baby 36.5 temperature nya, masigla Naman Kaso Ang worry ko every milk time nya ay 1oz lang. Ano Po kaya possible dahilan? Ayaw ko Naman Kasi munang dalhin sa pedia at maraming case samin Ng pertussis. Thanks po
May bukol Ang pep*
mga kamommy, CS mom here, bigla na Lang sumakit yung vagina ko, tapos masakit din kapag inuupo ko, nakapa ko din na parang may bukol. Ano Po kayang need na Gawin. Hindi lang makapunta sa OB (HOSPITAL) Kasi may 2mos old baby ako, wLa magbabantay. Thanks po. Ano Po kaya ito? May marerecommend ba kayo na solusyon.
CS mom here
Normal lang ba kapag nagsesex .. at NASA ibabaw ka, parang may sumasabit sa pempem. Respect post. Parang may something Kasi na may nadadali eeh.
FTM cesarean dated Sept 21 2023
Mga mhie. Sino Dito nakakaranas na Panay sakit / kirot Ng tahi. Tapos nakakaamoy Ng foul smell sa vagina. At the same time may lumabas na parang mabahong bagay
CS Mom here
Sept 21 nanganak, ask lang mhie, may lumabas pa na sinulid sainyo galing pwerta tapos mabaho? Delikado Po ba Yun,?
Cesarean Mom
Sino Dito Cesarean na nakakaranas na mabahong dugo, na kada check sa napkin merong buong dugo. Tapos Panay sakit pa Ng sugat/tahi?