DI AKO KILALA NI BABY PERO AKO ANG MOMMY

Hello mommies! Need ko po words of encouragement. Respeto lang po. Wala kasi ako makausap. Nahihiya ako mag open up sa mga kaibigan ko dahil magaling sila sa pagiging nanay. 9 months na si baby pero kapag binibisita ko sya sa kabilang kwarto, parang dibiya ako kilala kahit kami naman magkasama matulog every night. Di sya excited sakin. :( After 1 month kasi need ko magtrabaho para makatulong kay mister magbayad ng mga utang nung nanganak ako. So kay yaya sya sa umaga, then buong gabi lang sya sakin. Tapos nung 4 months na si baby, nabuntis ulit ako. Tapos mabilis ako mapagod sa 2nd pregnancy ko. Mas need ko tulong ni yaya. Di pa din ako pwede tumigil sa pagtrabaho kasi may bahay pa kami na binabayaran, binili namin this year nung nalaman namin may baby kami. Need ko tumulong sa pang araw2x na gastusin. Gusto na kasi din namin bumukod kasi nakaka-stress na family ni mister. Pala desisyon masyado. Gusto ko lang malaman na kilala pa din ako ni baby. :( Need ko po ba tumigil sa trabaho para hands on na ako sa dalawang anak ko? Hirap kasi tumigil sa trabaho, hindi ako magiging kampante na si mister lang sa lahat ng gastusin kasi what if mawalan sya trabaho? Sino tutulong financially? Naiiyak ako kung ayaw ako pansinin ni baby. Mas masaya sya sa yaya niya. Tapos ako kapag nagbabantay sa kanya buong gabi, mabilis ako mapagod, mabigt na din kasi tiyan ko. 😔 Wala lang akong mapagsabihan kasi pag nag open up ako, iiyak lang ako ng iiyak. Respeto lang sa comments haaa. 🙏🏼

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

The reason why mas attach si baby sa yaya kasi si Yaya yung nakilala na caregiver niya. Hindi ibig sabihin na hindi ka niya kilala, mas may attachment lang siya sa tao na mas mataas ang time makipag usap laro and mag alaga. I understand po na nagwowork kayo for finances, meron po way niyan, spend more time kay baby, talk to your baby more, hindi talaga maiiwasan na ganyan nararamdaman mo at valid po lahat yan. The more you play and spend time with your baby the more siya ma attach sayo. Nasa stage pa kasi yung baby mo mag develop ng relationship kaya di maiwasan excited sya sa nagbabantay. Hindi talaga solution mag stop ng work if alam mo na need niyo, but kong kaya naman ni mister, pwed po muna kayo magstop. Wag niyo po pagsabayin lahat2 buntis din po kayo makaka apekto po siya.. Build po a routine with your baby.

Magbasa pa