Sister in laws not in good terms

Hi mommies mag hingi lang ako ng advise. I'm not in good terms with my sister in laws actually 3 sila. Nakisama naman ako sa kanila. Kahit alam kong mas bet nila yung ex ni hubby. Tapos nung nabuntis na ako, wala man lang nangangamusta sakin kahit isa sa kanila. Nanganak ako wala rin silang sinabi sakin kahit "kamusta" feeling ko invisible ako sa kanila. tapos nag pasko at bagong taon kami sa bahay ng hubby ko. nagbigayan sila ng regalo wala man lang ako natanggap. alam nyo yung feeling na ayaw talaga nila sayo ganon. edi binawian ko sila nung 1st birthday ng anak ko sila naman pumunta dito sa bahay di ko sila pinansin. kahit anong sabihin ng husband ko na sana magka ayos kami di ko talaga kaya ang bigat sa loob ko ng ako yung unang mag approach dahil ako yung unang pinakitaan ng hindi maganda. Sobrang bigat talaga ng loob ko mga mommies. Naawa naman ako kay hubby kase sobrang bait nya tanggap nya na galit ako sa mga kapatid nya mahal pa rin nya ako kahit ganon 😔 hindi ko alam kung anong gagawin hays. #advicepls

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung baga pag binato ka ng bato edi batuhin mo ng tinapay. Maging civil ka nalang sa kanila, sabi nga ng ibang momsh mas magaan sa pakiramdam ung walang hatred sa puso, pag pray mo nalang din na mabago ang pakikitungo nila saiyo, ikaw nalang ang mag adjust ika nga. At ang mag benefit naman nyan ay ang anak mo, baka kc sooner anak mo naman ang lumayo ang tingin sa mga tyahin nila. Ok lang if di talaga kau totally close basta isipin mo nalang ung magiging pakikitungo ng mga sister inlaws mo sa anak mo. Baka kc pati anak mo malayo loob sa mga tiyahin nya. Keep praying lang po.

Magbasa pa