Naninigas yung tyan

Hi mommies! I'm 34 weeks pregnant, first time mom. Ano po kayang maganda gawin pag naninigas yung tyan ko? Sabi kasi ng OB ko delikado daw po yun baka mag preterm labor ako kaya pinaturukan nya ko ng steroids para in case na lumabas si baby ng kulang sa buwan may pang protect na sya sa lungs nya. Kinakabahan po ako kasi kahit konting lakad lang naninigas yung tyan ko. Ano po kaya magandang gawin para maiwasan tumigas yung tyan. Thank you!

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaoag ang pain sis sa may puson and lower back at hindi nawawala may kasamang paninigas ng tyan pwedeng preterm labor yun. Have yourself check by your OB or contact your OB asap. Yung klase ng paun e para kang mag memens at di sya nawawala kahit anong posisyon mo.