Tired mom

Mommies, hihinga lang po ako sa inyo. I need motivation. I have two kids po, 3 yrs old and a 7 month old. Ako lang po nagbabantay sa kanila since wala na ko parents and di rin maka asa sa in laws. Kami lang talaga ng kids sa bahay pag wala si hubby. Ngayon po, as my baby is growing, palagi na po sya iritable. Siguro, dahil sa ngipin nya. Tinitiis ko po sya kargahin kahit ano gawin ko, di ako maka cr pag need pa nya mag dede, di ako makalaba kasi pag gising sya, need talaga bantayan kasi baka ano isubo ng ate nya. Ngayon po, nagluluto ako ng chicken hamonado. Karga ko sya while nagluluto. Tinitiis ko yung sakit ng likod at antok ko kasi excited na ko kumain. Yung 3 tbsp na dapat SUGAR, ASIN ang nailagay ko. Nung tinikman ko, sobrang alat. Naiyak na talaga ako, mommies kasi gutom na gutom na ko, pagod at antok pa. Parang feeling ko wala akong silbi kasi wala akong pasensya na sa mga bata. Ang dali ko magalit kahit maliit na bagay. And this? Reward ko na lang sana sa buong maghapon na pagod, pumalpak pa luto ko. Wala din po pala ako kausap lagi kasi malalayo ang friends ko kaya wala ako masabihan ng sama ng loob ko sa sarili ko.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It is normal naman po to be like that since kapapanganak nyo lang. Just cry if you feel like crying. Wag mong pipigilan. Try to sleep while the babies are asleep. At pag nawawalan na po kayo ng pag asa, magpray lang and look at your kids. Nakaya mong manganak, dadaan din yan. God bless po. :)

6y ago

Thank you po, mommy. 😊 Yes po, umiiyak talaga ako pag kelangan na kelangan ko na. Tapos after iyak, tina try ko agad maging okay lalo na pag drain na drain na ko. Yung dumadating sa time na gustong gusto ko sumigaw sa anak ko pag may nagawang mali pero tinatalikuran ko na lang na parang wala lang nangyari kasi ayoko magalit.

Related Articles