How long were you in labor?

Mommies, gaano katagal ang labor experience mo? Share your stories. May mga record breaking times ba dyan?

How long were you in labor?
111 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

July 10 naglabas yung panubigan ko mga 7pm tapos nagpa admit ako mga alas 8pm sa Hospital. chineck ako ng OB ini IE ako, sabi ng OB ko rupture na daw ako. Pero that time wala pa akong naramdaman na pain or mga hilab sa tiyan ko umabot na ng mga alas 12 wala parin ako naramdaman, ini IE ulit ako ng OB ang sabi nasa 6-7cm na daw ako tapos nilagyan ng prime rose ang pwerta ko mga anim na piraso. Mga bandang 4am doon may napansin na ako na humihilab hilab pero di pa ganun ka sakit hanggang sa tumagal unti unting sumakit pero tinitiis ko kasi walang nakabantay na doctor sa akin, mga alas 6 naramdaman ko na natatae na ako kasama sa hilab, so di ko napigilan natae ako at timing mga ilang minutes lang dumaan gin-IE ulit ako ng OB ang sabi nya 8-9cm na daw ako tas pinaEre nya ako, yun lang pinagalitan pa ako kasi mali daw ang Ere ko tas umalis na sya.. ilang minutes na namn nagdaan feel ko parang nasa pwerta ko na si baby buti may nurse dumaan kaya tinanong ko kung itutuloy tuloy ko na ba pag ere di ko na mapigilan andito na sa pwerta si baby. At doon na nagtawag ng doctor si nurse para magpaanak sakin. Pinatayo pako,pinalakad papuntang delivery room,kinaya ko talaga kahit parang ang sarap ng e ere, kaya nung na posisyon na ako, nung sinabi ng doki na mag ere, aba sinagad ko na dalawang beses lang .. labas agad baby boy ko 🥰❤️

Magbasa pa