G6PD DEFICIENCY

Mommies, diagnosed ang baby ko sa G6PD Deficiency. Pano ba to magagamot? :(

G6PD DEFICIENCY
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wala pong gamot sa G6PD. Yung dalawang baby boy ko din po may G6PD. Bawal lang po sila sa mga foods na may soya at beans. Like taho, ulam na my toyo, monggo. Pero nung nag 1year old na po sila, pinakakain ko din po sila ng mga ganyang food kahit 2times a week para masanay ang katawan nila. Awa ng Diyos okay naman sila. Tapos po pag ipapacheck up mo si baby wag kalimutan sabihin sa pedia na may G6PD sya para alam nila ang best na ipainom kasi not all meds pwede sa may G6PD.

Magbasa pa
3y ago

wala naman ba side effect mamsh pag pinakain mo sila ng food na bawal 2 times aweek para masanay

Wala pong gamot.. Kung sa sakit po allergies po.. Ao avoid po ung mga bawal sknya.. Lahat ng gamot na my sulfa, soya, beans.. Iresearch mo po ang G6PD para makita mo list ng mga bawal.. Ipatest mo din po level ng G6PD nya, confirmatory ata tawag dun(medjo limot ko na).. Advise sakin ng pedia unti2in na sya sa mga bawal na food but not totally papakainin na sya.. So un ang gngawa nman.. 6yeaes old na baby ko and maganda pangangatawan nya..

Magbasa pa
VIP Member

Actually wala po syang gamot. Madami nga lang bawal lalo na sa pagkain. Tsaka lalaki pa dn nmang normal yung bata na postive sa ganyan momsh. Pag nagpacheck up sa pedia sabihin lg lagi na postive sa g6pd ung bata . Sa iba Meron dn namang nakalagay na sa whitecard nung bata na ini issue ng ospital na g6pd+ ung bata

Magbasa pa

Hndi na magagamot yan usually namamana yan nakalimutan ko lang kung sa side ng mother or father....marami lang dapat iwasan enzyme kase yan nahhrapan yung katawan ni baby na ibreakdown kaya marami ang bawal...pwede ka mag tanong sa pedia mag tanong ng lists ng bawal fron foods,beverages and medicines

Magbasa pa
3y ago

Anu po nangyayari sa pamangkin nyo everytime makakakain sya ng paborito nya na bawal?

Wla po sya gamot anak ko din my G6PD 8yrs old na sya ngayon normal naman po sya. Yung una nag worry ako kasi dko alam un then research po nalamn ko mga bawal. Soya,sobra sa matatamis at maalat,mapait bawal din po.ingat dn sa mga malulubhang sakit dahil wla gamot para sakanila.

VIP Member

Wala po mamsh pero just in case need uminom.ni baby ng mga gamot for sipon, ubo, lagnat, etc. Make sure na sabihin niyo sa doctor na may G6PD siya kasi hindi lahat ng gamot is pwede sa kanila kaya di ka din pwede bumili ng kahit anong brand lang sa pharmacy.

5y ago

And kung breastfeeding ka din po, please avoid the same food na bawal din kay baby mo.

VIP Member

Meron din pong G6PD yung first child ko. Sad to say momsh, wala pong medicine. And lifetime na po yan. Just try to avoid na lang yung mga bawal like napthalene or yung moth balls, mga menthol. Sa food naman mga beans, chocolates at yung may soya.

Wala po atang gamot yan. Iwas lang po sa bawal ng bata. At ipaintindi sa kanya kasi may mga bawal na gamot para sa kanila at delikado pag nainom nila kaya hanggang pag tanda na nila dala yan.

Sad to say, lifetime na yan. Just avoid the triggers. Once your baby indergo confirmatory test, bibigyan ka ng list ng foods and medicines to avoid.

Sa panganay ko po gnyn din pero pina ulit lang sya kc bka dw sa gamot nya kasi na nicu po baby ko sa pnglawa test nag negtive nmn sya