βœ•

Jamaica Yvonne A. Javier ❀

Hello mommies~ dati nag babasa lang ako sa post ng ibang mommies na nakaraos na, and now ako naman ang mag shashare ng experience ko πŸ˜‰ medyo mahaba hehehe.. EDD October 18, 2020 DOB October 1, 2020 Via normal delivery 2.7kg September 22 (36weeks and 3days pa lang ako nun) may lumabas sakin na discharge na parang buo na dugo pero maliit lang sya, nag sabi ako sa byenan ko na dinugo ako pero wala naman akong nararamdamang sakit kaya sabi nila normal lang daw yun nag babawas lang ang katawan ko kaya hindi na ako nagpacheck up nun. September 29 (37weeks and 3days) may discharge ulit na dugo pero hindi sya fresh blood parang pahid na dugo lang sya, and ganon parin wala parin akong nararamdamang kakaiba, pero sabi ng husband ko mag pacheck up na ko para malaman kung bakit may lumalabas na dugo sakin. Kaya nag pa schedule na ako sa OB ko sa October 1 magpapacheck. September 30 birthday ng papa ng kasamahan ko sa work, patay gutom kasi ako simula nung 5 months pa lang tyan ko kaya hindi ko pinalagpas ang birthday na yun kasi may letchonπŸ˜‚. October1 2am nagising ako sa sakit ng puson ko. Hinayaan ko lang kasi akala ko nasobrahan lang ako sa pagkain, parang nireregla ako ganon ang feeling ko, pabalik balik ako sa cr ihi ako ng ihi pero halos wala namang lumalabas na ihi. Inorasan ko ang pagsakit ng puson ko nasa 5 to 10 minutes ang interval nya, hanggang sa pag abot ng 5am parang mas masakit na sya at sumasabay na rin ang pagsakit ng likod ko (pero kaya ko pa naman ang sakit) nag dadalawang isip pa ako kung gigisingin ko na kaya byenan ko or normal lang to dahil sa pagkapatay gutom koπŸ˜† habang tumatagal hindi na ako mapakali sa kama ikot na ako ng ikot parang nireregla nga ako ganon... Sakto mukang medyo maliwanag na sa labas at gigising na rin naman byenan ko kaya inunahan ko na sya gisingin πŸ˜… sanabi ko na sumasakit na puson ko pati likod, pero kaya ko pa naman ang sakit parang nireregla lang. Pero nagulat byenan ko sabi nya sakin "ayy!! Manganganak ka na nene!! Pumunta ka na sa hospital!!" Kaya agad agad nyang ginising anak nya (bunsong kapatid ng asawa ko) na samahan na daw ako sa hospital kasi manganganak na ako. Ako naman nagulat rin kasi feeling ko hindi pa naman ako manganganak nun, pinigilan ko byenan ko sabi ko na baka nasobrahan lang ako sa pagkain sa birthday kaya sumasakit baka maya maya mawala rin to, at kung manganganak man ako maya na lang ako idala sa hospital kasi ayokong mag labor sa hospital ng matagal (may mga confine kasi na may covid dun kaya ayokong mag tagal) sabi naman ni byenan meron talaga nag lalabor ng walang halos nararamdaman, ngayon na ako ipadala dun habang maaga pa, kaya no choice ako nagpadala na lang ako, sa daan tumatawa pa kami ng kapatid ng asawa ko, nag jojoke pa ako na sasayaw ako ng It's really hurts sa hospital habang nag lalabor baka sakaling sumikat akoπŸ˜‚ at ayun dumating kami sa hospital ng 6am. Pagdating sa hospital tawa parin kami ng tawa sa emergency room dahil dun sa gagawin kong tiktok (balak ko pa kasi sa harap ng nurse station ako sasayawπŸ˜‚) then pinahiga ako ng nurse at e nIE ako ni doc, nagulat na lang ako ng sinabi ni doc na "1 2 3 4 5 6 7 8cm!! Very good konti na lang makakaraos ka na rin mommy! Tawa tawa ka pa kanina huh parang di ka naman nag lalabor" Yung reaction ko ganto "😳" Wala akong nasagot kasi di ko talaga inaasahan na manganganak na pala ako, kala ko nga papauwiin pa ako sa bahay eh.. After IE dinala na ako agad sa labor room pinasok ako ng 7am ganon parin nararamdaman ko parang nireregla pero 1to10 number 5 ang pain, antok na antok pa ako nun kapag hindi sya sumasakit nakakaidlip pa muna ako tas magigising na lang kapag sumakit ulit, yung mga dumadaan na midwife eh kala nila nahimatay na ako sa sakit ginigising pa nila ako πŸ˜‚ hanggang pagsapit ng 9am 1to10 number 8 na ang pain dun na nag simula na napapakapit na ko sa kama sa sakit, yung feeling na hindi na sya regla, parang taeng tae na ako ganon pero tubol yung tae ko (sorry sa term, yan kasi talaga yung nararamdaman koπŸ˜…) hanggang 9:30 pumutok na panubigan ko (alam ko yung oras kasi may orasan sa harap ko) dun na ako napraning (first time ko kasi) sabi nga nila kapag pumutok panubigan susunod na ang baby kaya sigaw ako ng sigaw sa loob ng labor room (wala kasing bantay sa loob bale sisigaw ka na lang sa nurse para puntahan ka.. Hysss ang panget talaga kapag public hospital πŸ€¦β€β™€οΈ) then pinuntahan ako ng nurse at pinairi ako at sabi nila na "wala pa yan, wag mong pilitin na iiri hindi pa lalabas ang bata" Pero TF? Kapag lalabas na ang bata hindi mo talaga mapigilan na hindi umiri gurl!? At ayun iniwan nanaman ako sa labor room, sa sobrang hilab ng tyan ko tae na yung lumalabas sakin, and pag abot ng 10am dun may nararamdaman na ako sa pempem ko na parang may lalabas na, kaya sumigaw ulit ako sa nurse at kitang kita na nila ang ulo ni baby AT LALABAS NA NGA ANG BATA! tas pina tayo ako ng nurse sabi nya bitbitin ko na diaper ko, and like WTF? Lalabas na ang bata papatayuin mo pa ako? Kaya sabi ko "lalabas na sya ayan na yung ulo hoo!" Then sagot ng nurse sakin "gusto mo dyan ka na lang manganak?! Magiging baboy ka dyan na basang basa gusto mo?!" OMG???? KUNG MAY TAGA BANTAY LANG SANA DITO SA LOOB YUNG HINDI NYO IIWANAN ANG PASYENTE EH DI SANA KANINA PA AKO PINAPASOK SA DELIVERY ROOM KAWAWA ANG BATA NAKALABAS NA ANG ULO TAS IBABALIK NYO PA AT PAPATAYUIN AKO PARA PUMUNTA SA DELIVERY ROOM! Ggggrrrr!!! Kakagigil!!!! Kaya no choice ako pinabalik ang ulo ni baby and tumayo ako bitbit ang diaper at pumunta sa delivery room, pag higa ko agad ring lumabas si baby 10:12am. Pasalamat hindi naman naapektohan ang bata, kaso nga lang ang haba ng ulo nya dahil imbis na dineresto ko ilabas sya pinabalik balik pa πŸ™„ And thats is my story πŸ˜„ kahit with bad experience pero thank god naka raos din agad, at totoo po mommies na kausapin nyo lagi si baby na wag kayo pahirapan sa pag labor nyo, wag kayo bigyan ng sobrang sakit na labor makikinig po sila 😊 and now 1week old na po LO ko πŸ’žπŸ‘Ό #1stimemom #firstbaby #theasianparentph

43 Replies

HALAAAA MOMMY, SAME TAYOOO. Oct 01 din ako nanganak, painless din ako parang di ako nag labor. check up lang ako then after nun diretso hospital tapos nanganak agad ako ng ganum ganun lang kaso nahirapan ako umire kaya ayun same din tayo na mahaba ang ulo ni baby pero nadadaan naman daw sa hilot at medyo okay na tignan yung ulo ni LO ngayon. Congratulations satin mommy πŸ’— 1st time mom too β€οΈπŸ™πŸ˜‡

hahaha.. congrats satin momshie ❀

VIP Member

Congrats mommy πŸ₯° gnyan tlga sa public mommy sa unang baby ko public kmi kasi dun ngwwork papa ko... grabe pang din dhl dk nila ppunthan hanggang dp ata nlbas ulo ng bata pero timing lang cgro nung pinunthan ako na 10cm na agd kc tlgang tinutlog ko ung skit eh haha pero d nmn ako pnababa sa kama dinretso DR na ako tas aun umpisa n ng irihan haha

hahaha.. nga po momsh eh pero thank god safe po kami ni baby πŸ’—

Nangyari din sa akin yan nung nanganak ako sa public hospital iniwan ako sa labor room tapos nung sumigaw ako na lalabas na yung baby ko ka sabi sabi ba naman sakin ng midwife, abala raw ako sa pagkain nila.. Hipon pa naman daw ang ulam. Hahaha di ko naman mapipigilan paglabas ng baby noh

wow congrats! sana all momsh! ako ngpapainject epidural ndi ko kaya ang pain, ayuko mrmdman ung tahi nttkot akes!

congrats momi. ang panget talaga nang public hospital pag dun makanganak. ganyan din ung friend ko iniiwan iwan nang mga nurse. ang sunget pa nang doctor nya. kaya ako kahit mahal nag private hospital ako. dun alagang alaga ako nang mga nurse dun. pati ung doctor.

wow sana ganyan din ako,,kaso kung kelan pang 3 ko n tsaka ako aabot ata ng due date ehh,,sa 1 st baby ko 2 weeks before nanganak n ako sa 2 nd baby 36 week 2 days nanganak ngaun 38 weeks 3 days no sign of labor parin,

Ganda naman po ng bebe na 'yan 😍😍😍 Thank you mommy sa story mo. Binasa ko habang ito mag-12 hrs na akong nag-e-early labor, dami kong tawa 🀣 Congrats on your little baby girl. Sana makaraos na rin ako.

thank you po mommy πŸ₯° pray lang po at lagi nyong kausapin si baby makikinig po sila 😘

congrats po mommy.. sana ganyan din ako mag labor kase may halo kaba pa rin ako kahit pang 4 n to at 1st baby girl... waiting na lang din kame lumabas sya kaso ayaw pa ata 😊

congrats Mommy. natatawa ako na nabubuset sa midwife mo Hy, anyway ang ganda ng baby mo, kuha sayo ang ilong

VIP Member

Congrats mommy πŸŽ‰ Ask ko lng po saan po kayong public hospital nanganak? Dito lang po ba Metro Manila?

sa province po ako momsh. 😊

VIP Member

sana ganyan din ako kabilis mag labor 38 weeks and 2days nako. btw congrats ang cute ni baby😍

thank you mommy pray lang po makakaraos din kayo πŸ’—

Trending na Tanong