Blood Cloth while pregnant 15 weeks
hello po mommies.. Ask ko lang may buong dugo lumabas sakin pero hindi sya dire diretso at hindi malakas, hindi rin tumutulo kasi tuyo na sya sa loob ko. Lumalabas buo na siya na mahaba pero hindi malaking dugo. Wala akong nararamdaman na sakit sa balakang at puson, nagpa examine nadin ako sa ihi pero few lang ang nakita sa result wala naman ako UTI. Ano po kaya yun? Pero nag check kami ng fetal heart rate niya okay naman siya 155 ang kanyang heart beat. Medyo worried kasi ako kahit nagpacheck up na ako hindi ako mapakali. Any advice po



