ANONYMOUS: "Dati kong ka-close na anak, nagiging secretive na ngayong teenager na siya" :(

"Mommies and Daddies, advice please. I did everything since bata pa ang anak ko to gain her trust and to build our relationship. I am a very open Mom and hindi ako strict sa kanya. She would always come to me for problems or any kwento after niya mag school. PERO lately, nalulungkot talaga ako kasi napapansin ko na she is growing apart from me. Parang ayaw na niya ako isali sa mga kwento niya. Paguwi niya, maglolock na siya agad sa kwarto niya. Hindi ko naman po pinipilit na kausapin ako. Pero nakakramdam ako nang worry din para sa kanya, feeling ko may tinatago na siya sa akin and I'm just praying na lang na maging safe siya. HELP please, ano gagawin ko po?" Parents or parents of teenagers! Any advice you can give sa ating anonymous concerned Mommy?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i suggest po more deposit pa sa love bank nya. Pwede kayo lumabas tapos magshopping at milk tea. Then kapag masaya ang bonding moment nyo, try mo na sya kumustahin maybe over food. Pero tyempuhan mo din un tipong ok ang ambiance para magtanong. Iba na kasi talaga mi ang panahon ngayon. Lalo na puro gadget at socmed. Ang nakakatakot kasi baka mamaya may depression na, tapos hindi tayo aware.

Magbasa pa