ANONYMOUS: "Dati kong ka-close na anak, nagiging secretive na ngayong teenager na siya" :(

"Mommies and Daddies, advice please. I did everything since bata pa ang anak ko to gain her trust and to build our relationship. I am a very open Mom and hindi ako strict sa kanya. She would always come to me for problems or any kwento after niya mag school. PERO lately, nalulungkot talaga ako kasi napapansin ko na she is growing apart from me. Parang ayaw na niya ako isali sa mga kwento niya. Paguwi niya, maglolock na siya agad sa kwarto niya. Hindi ko naman po pinipilit na kausapin ako. Pero nakakramdam ako nang worry din para sa kanya, feeling ko may tinatago na siya sa akin and I'm just praying na lang na maging safe siya. HELP please, ano gagawin ko po?" Parents or parents of teenagers! Any advice you can give sa ating anonymous concerned Mommy?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Recognize that it is not about you. Huwag mo isipin na ikaw ang mali, Based sa kwento mo, you did a good job raising her and building a good foundation ng relationship ninyo. PERO it's about her life and growing pains. Nasa point na siya na parang she's exploring and she doesn't want to worry you. Naging teenager din tayo at one point and may times na hindi talaga natin makwento lahat sa parents. I hope na lang you you raised her well to trust her na magiging TAMA ang desisyons niya and hindi niya ilagay sarili niya sa kapahamakan. Keep praying for her, and express niyo pa din sa kanya from time to time na YOU ARE ALWAYS THERE to support her. Guide niyo na din sya ng mga paalala na to be safe lalo sa internet, God bless you Mommy!

Magbasa pa

When i was a teenager ganto rin ako so Mother ko. Never blame yourself mommy. What my mom did, she left a note saying : "Always remember that I'm here for you and will listen to anything as long as you're comfortable to share it. I love you Nak always ❤️ Just do whatever you think you want and if it didn't turn out well, you must learn from it." Part talaga ng pagiging teenager yan lalo sa panahon ngayon.

Magbasa pa

i suggest po more deposit pa sa love bank nya. Pwede kayo lumabas tapos magshopping at milk tea. Then kapag masaya ang bonding moment nyo, try mo na sya kumustahin maybe over food. Pero tyempuhan mo din un tipong ok ang ambiance para magtanong. Iba na kasi talaga mi ang panahon ngayon. Lalo na puro gadget at socmed. Ang nakakatakot kasi baka mamaya may depression na, tapos hindi tayo aware.

Magbasa pa
TapFluencer

How Do You Deal With A Secretive Teenager? As your teen becomes more independent and learns how to solve his own problems, he will sometimes act secretive and withdrawn. This understandably worries parents (Read More) https://ph.theasianparent.com/how-deal-secretive-teenager-tips/?fbclid=IwAR2b8wfzBVEgaHzWlUb2LRrOu2QDdagmurZMsZVBu7BguzVeBpyfWzuhVBo

Magbasa pa

How Do You Deal With A Secretive Teenager? As your teen becomes more independent and learns how to solve his own problems, he will sometimes act secretive and withdrawn. This understandably worries parents (Read More) https://ph.theasianparent.com/how-deal-secretive-teenager-tips/?fbclid=IwAR2b8wfzBVEgaHzWlUb2LRrOu2QDdagmurZMsZVBu7BguzVeBpyfWzuhVBo

Magbasa pa

Maglaan ng oras para kausapin ang iyong anak tungkol sa kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay. Magtanong at makinig talaga sa kanilang sasabihin. Kung sa tingin nila ay naiintindihan mo sila, mas malamang na maging malihim at pribado sila. Huwag matakot sa mahirap na pag-uusap.

Mami mas okay pa din po na ikaw mismo magopen sa kanya ng mga napapansin mo kasi baka mamaya may prob siya na nahihirapan din siya mgsabi sayo or nahihiya siya iopen sayo. Mas okay po na habang maaga malaman mo po kung may pinagddaanan man po ang anak mo.

Respect your teen's privacy. Panatilihin ang iyong pag-usisa at labanan ang tuksong ipasok ang mga personal na talaarawan, journal, at telepono, maliban kung may ebidensya na may self-harm/ crime/ droga/ communication with suspicious strangers.

I feel you Mommy. yaw mo makielam para di ka lalong layuan, pero at the same time may worry na baka napapahamak siya. Napaka dangerous pa naman ng digital world ngayon

baka po sa mga friends nya. . or napa barkada lang. alam nya sigurong magagalit ka.