OGTT

Hi mommies ask ko po yung mga nakapag OGTT na ano po bang procedure ginagawa dito? Yung may fasting po. At ilang beses po kinukunan ng dugo? Scheduled ako ng cbc, urinalysis, hgb&hct., ogtt, pelvic ultrasound sa 2nd week of March. Sabi kase ni ob para daw isahang punta nalang. Salamat po sa sasagot

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

6-7 hrs fasting, wag ka mag overfasting, bababa ang result ng unang kuha ng dugo mu kukuhanan ka ng dugo, after nun papainumin ka ng 240ml na glucose syrup, dapat within 5 mins maubos mu ung syrup, pagkaubos mu nun tandaan mu ung oras na sasabihin sayo kung anung oras naman ang sunod na kuha sau ng dugo, wag mu ng antayin na tawagin ka lalo na kung madaming pasyente na nagpapakuha ng dugo. bwal uminum ng tubig at kumain hanggat di tapos ang pinakalast na kuha ng dugo

Magbasa pa
5y ago

Damay na din siguro ung pagkuha ng dugo mommy. Ako kasi nung unang kuha ng dugo sakin for cbc parang wala lang naman yung sakit pero nung nakita ko kung gaano kadaming dugo parang gusto ko mahimatay 😅 natrauma tuloy ako tuwing kuhaan ng dugo usapan hahaha pero need talaga gawin para nalang kay baby 💞

*8 to 10 hrs fasting... *Hal.kumain ka ng 8pm. Kain ka parin ng 11pm or 12am ng snack.. cracker and gatas.. * punta ka sa lab 8am.. maaga. * may ipapainum n matamis na matamis na juice *3x ka kukunan ng dugo kada oras * kelangan handa ka sa tusok ng karayum . * isabay sabay mo na.. pa lab mo lalo na kung dugo related para isahang hirap na. * di iinom ng tubig hanggat di matapos procedure

Magbasa pa
5y ago

Thankyou po ☺

Sakin 3x po. Papainumin ka ng concenfrated na drink sa super tamis. Kelangan di ka susuka kase pag sumuka ka, stop na yung test. Gigil na gigil ako sa inis dahil gutom na gutom ako. 8 hrs na fasting tapos 3 hours ulet walang kahit anong inom at kain gang matapos yung procedure

5y ago

Nakakasuka po ba talaga yung iinumin mamsh?

Kakagutom yan mamsh😂😂... Peru keri mo yan... Sakin tiis tiis Lang talaga. 8 hours na fasting tas 2 hours Pa olit. Dapat within 5 mnts maobos yung glucose drinks na di sumusuka. Masarap nmn sya😅within a minute naobos konaman agad.

Sakin tatlong beses ako kinunan ng dugo at yung pangalawang kuha pina inom ako ng glucose. Jusko! Para akong mahihi matay sa gutom buti na lang nakisama si baby ko. Hehe! 😅

5y ago

Bawal pati tubig or kahit biscuit mamsh nung nag pa OGTT ako simula 12am di na ako kumain then na tapos yung procedure sakin mga 11am na ilang oras ako walang kain buti na lang naki sama si baby ko. 😅

Jusme nakaschedule din ako sa march 18 para sa ogtt 😓😞😒 sa nabasa ko hahaha dami palang procedure 😞

Worst experience ever. Tuturukan ka ng karayom every hour 3 rounds parang mahihimatay na ako

5y ago

Nanghina talaga ako paglabas ng HP sa walang kain at sa takot hahahaha

VIP Member

Ano po yung OGTT? FTM . And ilang weeks yung tiyan bago magpa ganyan po? Thanks

5y ago

22 to 25 weeks

Sakin po 4x na tusok every hour,, From 8am to 11am,,

fasting at 4 na kuha ng dugo .

5y ago

Ogtt tska cbc na po yun?