maternity leave

hi mommies, ask ko lang po kapag nag maternity leave ba di ako makakakuha ng salary?

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ang start po ng Maternity Leave is un day ng delivery niyo kay baby. Kung mas maaga po kayo maglileave, di po kayo mababayaran na ng company ng salary niyo po pero pwede niyo ifile ng Sickness Benefit sa SSS po para may matanggap pa din po kayo.

7y ago

Hingi po kayo ng form sa company niyo po ng SSS Sickness Notification Form. Or nadadownload po ata un sa website ng sss. Pagkafill up niyo po, may need din ifill up si OB niyo po na diagnosis. Ipapalagay niyo lang po dun na advise to bed rest until delivery of baby or bahala na po si OB niyo po kung ano ilalagay niya kaya pinapabedrest po kayo. Pati po yung fit to work. Kaya lang since pregnant tayo, hindi pa tayo makakafit to work kasi may Maternity Leave pa tayo after manganak. Ang nilagay po namin sa Fit to work date is ung date ng pagka 37 weeks ko kasi un ung full term na si baby. Eto po un mga requirements na pinasa ko, - Med Cert from OB - Clinical Abstract (if confined) certified true copy - Latest Ultrasound and Laboratory results (original copy) - UMID Photocopy with sign - SSS Sickness Notification Form - Photocopy of latest na reseta