BAKUNA
Hi mommies. Ask ko Lang kung ano pwede gawin para mawala Yung parang Nana sa bakuna ni baby. FTM here. Last June 16 po Yung bakuna nya sa braso pagkapanganak and then after a month napansin ko para siyang naka bukol. Kahapon napansin ko na parang may Nana sa loob. Need ko na ba pacheck up si LO ko? Thank you po sa sasagot .
Ah BCG yan momsh, kanena nag pa inject ako ky baby nyan sa center, sabi wala dapat ilagay na gamot jan kahit magnana pa, hayaan mo lang..talaga matagal daw yan gagaling maaring aabot ng ilang buwan daw sabi ng ng inject sa center.
normal lang po yan mommy. kakaturok lang din ni baby ng BCG sabi ng nurse na nagturok na magka nana yan pero temporary lang. huwag daw lagyan ng kung ano ano. hayaan lang na mawala yung nana
Normal lang po yan mommy. Nagkaganyan din po ang bakuna ni lo kaya nagpanic kami ni hubby 😅 dinala namin sa pedia nya. Ok lang daw po yun kasi ibig sabihin tumalab yung bakuna nya. 😊
Wala k pong gagawen jan momshie. .nd mo rin dapat hahawakan yan. .sabi powh ng midwife sa center nmen f may nana sa may bakuna niya. .normal lng daw powh un. .so nd dapat mg worry. .
Ganyan din po si baby ko, nung 3months na sya saka nagkaganyan hehe nagbasa2 ako normal lng daw kasi ibig sabihin tumalab yung bakuna. Papacheck up nga rin sana namin eh 😂
Sabi sakin ng pedia ng baby ko nung monday, mas okay daw po na ganyan nagnanana ibig sabihin tumatalab sa baby yung vaccine. Basta wag lang kalikutin, kusa mawawala yan.
Mommy ganyan din sa baby ko pero pinabyaan ko lang yung sa kanya nawala din naman pagaling na now. Nung May 19 sya binakunahan jan sa braso
Normal lang yan mommy. No need anek anek para gamutin yan. Isa lang ibig sabhn nyan mabisa kay baby yung bakuna.😊😘
normal lang po yan momy buhay po kc turok nya.. ganyan din po si lo ko before, nawala naman sya after 2 months..
Normal po yan and kusang mawawala in time. Ganyan din 1st vaccine ng anak ko. Medyo matagal bago nawala
Mama of 1 fun loving prince