baby
Hi mommies! Ask ko lang kung ano ginawa o ginagawa niyo kapag ayaw dumede ni baby sa bottle? 4months na baby ko at hirap akong ipadede sakanya yung milk na na-pump ko kaya sayang lahat ng napupump ko tinatapon lang. ? Sayang kasi yung milk na lumalabas kaya pina-pump ko kahit alam kong masasayang lang dahil ayaw dedehin sa bottle.
Momsh hinahanap niya ung sensation nang breast mo. Hanap ka nang bottle na may kamukha nang nipple or nagiimitate nang nipple nang mommy. May ganun ata yung Philips Avent. Try mo padin breastfeeding directly from your breast momsh. Para may close bond kayo ni baby, mas gusto niya from your nipples kesa sa bottle.
Magbasa paganyan din po nung una yung Baby ko. ayaw nya dumede sa bottle. kay hinayaan ko lang po. wag kna lang po mag pump ipa dede mo nalang po sakanya mula sa dede nyo.. kusa po talaga tutulo yan kase di pa po nya kayang dedehin lahat ng milk nyo. 😊
Thanks sis! Kaso gusto ko sana no formula muna kasi nung nag-1st month si baby mix kami. Tas ngayon may mga ubo pa kasama namin sa bahay
wag kana magpump, wag mo din siya pilitin kung ayaw nya magbottle feed. sa breast mo nalang. sa months na ganyan dapat stabble na ang milk kaya sguro tumutulo ng malakas kasi over supply na po ikaw kakapump simula dati.
Mas maganda po na ipagamit sa baby na bottle e ung silicon ung nipple kasi iisipin nya parang dede pa rin ng nanay nya un kasi ang gamit ko sa baby ko madali ko syang napasanay sa bottle 6months na sya ngayon
Pigeon ung sa baby ko eh
hindi po sya sanay sa bottle kaya ayaw nya. yong baby ko po non mix sya pero umayaw din sya sa bote gusto nya sakin lang..much better ibreastfeed mo na lang po atleast di masasayang milk na pinump mo 😊
Oo nga sis eh. Thank you po
Im sudjest haluan mo ng ibang gatas yung pinapump. Mo galing syo, kung ayaw dedein ng baby mo ganyn din yung ate ko. Mix niya yung galing sa knya + bonna
hi Mommy! you can use your milk as milk bath for your baby if your lo don't want to take it in a bottle 😊 mgging mgnda skin nya
sige sis try ko yang milk bath kay baby. :) Thank you po
yung milk na pinapump mo, pwede mo idonate or ibenta sa nga ibang momny or sa ospital para di masayang, o kaya ipa inom mo sa mister mo
Do cup feeding, mas effective siya. Search mo sa youtube kung pano yung cup feeding.
maganda din po yang cup feeding. yung Baby ko marunong na nyan. mas gusto nya sa cup uminom ng tubid kesa sa tsupon.
minsan kac ayaw nila dumede kac gusto nila nilalaro laro cla
Oo nga sis. Minsan dedede tas tigil makikipag laro tas dede ulit
first time mommy