Ex na kating-kati

Hello mommies! 37w preggers here, gusto ko lang marinig side nyo dto sa problema ko so here it goes Yung daddy ng pinagbubuntis ko po ngayon ay may una ng anak sa dati nyang girlfriend, tawagin na lang natin syang "PG" naghiwalay sila kasi niloko sya ni "PG" and currently may anak na uli si "PG" dun sa lalaking pinagpalit nya sa asawa ko. So ngayon po lagi po sila nag-uusap ng asawa ko which is naiintindihan ko nung una pero katagalan kasi nag-iba yung pakiramdam ko, then one day pinag-oorder ako ng food ng asawa ko sa phone nya biglang nag pop-up yung message ni "PG" and may iba silang pinag-uusapan, so ako nagdududa ako kasi all i know nag uusap lang sila about dun sa anak nila, to make the long story short nag uusap sila na parang tropa sila as in yung topic kahit ano na hindi naman related sa bata (ex. Nakakailang plates ka sa samgyup, san maganda magtake ng driving lessons so on & so forth) Nagdududa po ako lalo na kay "PG" kasi may ugali talaga sya na maharot, kasi nagtangka siyang lokohin yung current partner nya(yung lalaking pinagpalit nya sa asawa ko nung sila pa) sa 2 magkaiba pang lalaki na pamilyado rin (yes i have receipts kasi minessage nung 2 babae yung asawa ko at nagtatanong ng mga detalye about kay "PG") Dala lang ho ba ng pagbubuntis itong paranoia na nararamdaman ko? Malakas po kasi ang kutob ko na patago niyang sinisimpleng landi yung asawa ko, on the other hand inaassure naman ako ng asawa ko na hndi na nya mahal si "PG" I just want to hear your 2 cents on this matter mommies. Thank you!

Ex na kating-kati
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy usap na lang kayo ni hubby na limitahan ang pakikipag usap sa ex nya para sa ikakapanatag at iwas sa tukso na din

6y ago

Thank you po mommy! Nkausap ko naman na po hubby ko, and okay naman na po the thing is pag hindi nice yung treatment ni hubby ko sa kanya nagagalit po sya, halimbawa po magtatanong si PG randomly and prang dry or d po papansinin ng hubby ko yung tanong nya about random things nagagalit po sya, pag kakamustahin po ni hubby ko ung anak nila hndi nya po pinapansin hubby ko and lagi nagtataray sa knya.. its like gnagamit po nya yung bata against sa hubby ko