Ex na kating-kati

Hello mommies! 37w preggers here, gusto ko lang marinig side nyo dto sa problema ko so here it goes Yung daddy ng pinagbubuntis ko po ngayon ay may una ng anak sa dati nyang girlfriend, tawagin na lang natin syang "PG" naghiwalay sila kasi niloko sya ni "PG" and currently may anak na uli si "PG" dun sa lalaking pinagpalit nya sa asawa ko. So ngayon po lagi po sila nag-uusap ng asawa ko which is naiintindihan ko nung una pero katagalan kasi nag-iba yung pakiramdam ko, then one day pinag-oorder ako ng food ng asawa ko sa phone nya biglang nag pop-up yung message ni "PG" and may iba silang pinag-uusapan, so ako nagdududa ako kasi all i know nag uusap lang sila about dun sa anak nila, to make the long story short nag uusap sila na parang tropa sila as in yung topic kahit ano na hindi naman related sa bata (ex. Nakakailang plates ka sa samgyup, san maganda magtake ng driving lessons so on & so forth) Nagdududa po ako lalo na kay "PG" kasi may ugali talaga sya na maharot, kasi nagtangka siyang lokohin yung current partner nya(yung lalaking pinagpalit nya sa asawa ko nung sila pa) sa 2 magkaiba pang lalaki na pamilyado rin (yes i have receipts kasi minessage nung 2 babae yung asawa ko at nagtatanong ng mga detalye about kay "PG") Dala lang ho ba ng pagbubuntis itong paranoia na nararamdaman ko? Malakas po kasi ang kutob ko na patago niyang sinisimpleng landi yung asawa ko, on the other hand inaassure naman ako ng asawa ko na hndi na nya mahal si "PG" I just want to hear your 2 cents on this matter mommies. Thank you!

22 Replies

agapan mo na yan sis. kung open ka nman about sa bata. ikaw nlng kausapin ni PG about sa sustento/etc. at hindi na ung asawa mo since may history na ung girl ng panglalandi.

kakaiba tlga mga ganitong story godbless nalng po and congrats sa magiging baby mo wala ako maadvice wala p kc ako naexperienced sa ganian hehehe first boyfriend konkc husband ko

Dpt usapn lng kng hhramin ung bata. At wla ng iba. Or about sa bta. Pero kung gnon pg bwalan mo na. Kung pde saktan mo pa .pg ayw. Hehehe d pde yan momy. Mmya san pa mpunta

Thank you po mommy!

VIP Member

Kausapin mo asawa mo.. Bka sobra na syang nalilibang kausap si EX.. Never allow na bigyan ng spare time si hubby na makipagusap kay EX.. Wala sila dapat puwang dun..

Thank you po! Nagkausap na po kami and buti naman po sumunod din sya ans nag sorry may saltik lang po si Pg talaga

Mommy Pwde Naman na Hinde na sila mag usap Ng Asawa mo at ex Niya Pwde Naman Yung Magulang na Lang Ni Ex Niya kausapin Ng asawa mo about sa anak Niya e

Eh kapag Ganon Po palagi Takbo Ng pag iisip Niya Hinde Magging maayos Pamilya Niya

Malakas pa naman ang instinct ng babae .. kapag nakaramdam ka ng kakaiba .. magtanong ka na agad kase baka tumagal lumalim pa mga topic nila .

VIP Member

Mommy usap na lang kayo ni hubby na limitahan ang pakikipag usap sa ex nya para sa ikakapanatag at iwas sa tukso na din

Thank you po mommy! Nkausap ko naman na po hubby ko, and okay naman na po the thing is pag hindi nice yung treatment ni hubby ko sa kanya nagagalit po sya, halimbawa po magtatanong si PG randomly and prang dry or d po papansinin ng hubby ko yung tanong nya about random things nagagalit po sya, pag kakamustahin po ni hubby ko ung anak nila hndi nya po pinapansin hubby ko and lagi nagtataray sa knya.. its like gnagamit po nya yung bata against sa hubby ko

niloko ako ng x ko habang buntis ako sa pangalawa naming anak. and ni minsan hindi ako nagkamali sa hinala ko.

VIP Member

Habang maaga pa gawan mo na ng paraan yan mommy. Naku di uubra sakin yan.

Bisaya. Sabe? Hahaha! Sabi yun eh. Ba yan! Sabe daw.hahahaha bobo

Kulang ka ba sa bakuna? Kung di ka taga bundok alam mong pag puti ang box sa messenger ibig sabihin galing yan sa sender, pag blue yung receiver. Tska anong problema kung bisaya man yung nag chat? Buti pa nga yan may utak kesa sayo utak mo non-existent boba makalait ka lang

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles