Pa-Rant lang mommies!?

This might take long, please bear with me.? This will be my very first time to rant here, sobrang stressed na po kasi ako right now and I don't know what to do. Just a week ago I invested sa isang company which is all you have to do is watch videos and you'll get paid. Pag mas malaki yung account mo, mas malaki yung babalik sayong pera. My cousin joined first and nakuha niya na half ng investment niya so I thought it was a legit paying company. At dahil sa kagustuhan ko na marevolve yung savings ko ng mas malaki, I and my partner took the risk. We were about to get half of our money back the other day pero biglang nagsystem error na. And until now walang update yung company. We invested almost 30k for those accounts. I know there's no one but blame but me/ourselves. Pero sobrang sakit at nakakalungkot lang on our part kasi samin pa natapat na kung kelan makukuha na namin yung pera namin saka pa nawala yung comapany.? I hope you won't bash me guys. Kahapon ko pa gusto umiyak pero di ko magawa kasi ayoko ipakita sa partner ko how devastated I am kasi ayoko na malungkot din siya lalo. Savings namin yon para kay baby and two months nalang lalabas na siya. Hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin para kumita lalo na't buntis ako and hindi ako makalabas dahil sa pandemic.? Please pray for me?? I badly need it right now mommies. Sobrang nadedepress ako ngayon.?

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May ganyang incident din kaming na encounter ng mister ko po. Sa casino naman po yun. Pinag iinvest kami ng 100k para po daw kumita pera namin ng 50% interest. Yung mga kasamahan ng hubby ko nag invest sila. Eager talaga mag invest hubby ko kasi nakikita niya po nag pe payout yung mga kasamahan niya kaya willing din siya sumugal ng 100k. Nag away pa kami nun kasi ayoko talaga may gut feeling ako na scam siya. Wala nagawa asawa ko ayoko mag invest. Tapos bigla lang namin nabalitaan na scam pala talaga yun. Mangiyak ngiyak nga yung kasamahan niya kasi nag invest ng 400k po tapos ang bumalik 20k lang. Bigla nalang naglaho. Pag mga ganyan po, try to invest small amounts muna wag po iinvest lahat. Sino din naman ang ayaw ma double ang pera diba? Kaya lang sa panahon ngayon ang daming manloloko po. Kaya ingat din po next time.

Magbasa pa

Parang pamilyar sakin yan. Muntik na kong mag invest though for "student account" lng kc pinaka mura at takot din ako mag invest ng malaki. Hnd kami natuloy kc same scenario ng inyo nag error na yung system hnd na maka-log-in at hnd error na yung link ng website. Yung ka work ko na nag alok sakin nag invest ng 15k at yun binawi nya sa nag alok din sa kanya thru installment. Dapat po binawi nyo sa nag invite sa inyo, yan ginawa ng workmate ko eh. Malaking pera din yan.

Magbasa pa
VIP Member

Same here nung kapapanganak ko pa lang,we also invested 50K ng partner ko kaso nagsara.. Good thing is wala naman akong narinig sa partner ko kasi ayaw nyang magsisihan or mag away kami ng dahil lang sa pera, kahit ang sakit2 sa loob ko kasi I have a lot of plans para sa mga anak namin.. Buti na lang at hindi ako na depress.. Ngayon it's been a year na, masasabi kong naka move.on na din kami sa nawalang pera..

Magbasa pa

Lesson learned momsh. Ang maipapayo ko lang, isipin mo na lang pera lang yun na mapapalitan. Pero mas isipin mo si baby, kapag sad ka sad din sya, kapag happy ka happy din sya. Nagrereflect sa kanya emosyon mo so maging positive lang sana isipin mo ngayon lalo na at manganganak ka na. Mahirap pero kaya mo yan. Go momsh! Godbless you! 😇

Magbasa pa

Anything na mag ask ng sign up/registration fee before ka mag start mag work is a scam. #1 no no po yan from working from home. Kaya ka nga naghahanap ng work para kumita bakit ka magbabayad. tama? Also, hindi lahat ng sinabing investment ay investment. Kadalasan ginagamit nila yung word na investment pang catch ng mai-scam nila.

Magbasa pa

Hindi po magiging okay for baby if you think too much about it po, hindi po kayo dapat magpa-stress especially if it's the 7th month nyo na.... may mga Anti-cybercrime laws na po tayo so they should report na po right away and mabawi yung nai-invest nyo sa scam na yun... Praying for you mamsh 🙏

Punta Po Kayo sa police station para mag file Ng case. Madami Po tlga scammer sa panahon ngayon, dahil n rin wla work saka desperado n mga Tao.. ingat n lng sa susunod.. and tiwala lng Kay Lord mag poprovide siya.🙂 Hayaan mo n Yung nanloko may kakalagyan din sila.

VIP Member

Momsh basta pag sinabi na malaking pera ang balik pag malaki ang ininvest ninyo, scam yan. Lagi nyo po tatandaan walang legit financial institution ang nagbibigay ng malaking "interest/kita". Lesson learned na po sana sa atin yan.

Sia ganyan nangyari sa kaworkmate ko! Ayun nga lang scam 😔 Muntik nadin ako mag invest nun eh pero buti na lang hnd kasi wala akong pera. Pls report it sa Police or NBI pra mainvestigate nila

Wag po kayo mawalan ng pag asa mommy😇.. Isipin nyo na lang po ung baby nyo.. May darating pa pong blessings.. Pray lang po kay papa God, 😇😇