hinge advice

mga sis paredirect naman di ko kasi alam kung tama pa nirereact ko. gawa na rin cguro ng postpartum hormones medyo maikli pasensya ko at pang unawa. Yung baby ko kasi may diarrhea so sinugod ko sa hospital ngayong araw for check up, kaso c LIP may team building ngayong araw. Sinamahan niya naman ako sa ospital pero habang nag aantay kmi, tinawagan nia nanay nia para mag take over, umuwi sya at nagbihis pumunta ng team building. Hindi pa ako ngpapakita ng inis that time kasi sabi ko baka magng ok naman na c baby. pero nung nacheck up na sya, pinapabalik ako ng doc para magbgay ng stool sample tapos kung may findings iaadmit cguro c baby. sabi ko sakanya umuwi na sya kasi kelangan nmin sya. ayun sabi nia nasa slex na daw sila mahirap na umuwi galing don. aun nainis na ako di ko na sya nireplyan kasi ung naiisip ko lang bat di nia kayang isakripisyo ang mga ganung bagay para sana kay baby.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi nya kayo pinabayaan, ginawa nya yung parte nya bilang tatay pero kailangan nya rin gawin ang parte nya bilang empleyado na nakikisama sa workmates at mga boss nya. Give him a little consideration. Oo mahirap maging nanay pero mahirap din maging tatay. Pinasamahan nya kayo sa mother in law mo kasi naisip nya na mahihirapan ka kung ikaw mag isa. Mas maganda na sa stage na to ng parenthood unahin nyo intindihin ang isat isa kesa magbilangan ng pagkukulang. Minsan sis iniisip natin tayo lang nahihirapan, naninibago pero yung mga partners rin natin may mga pinagdadaanan rin sila kaya be understanding. Get well soon kay baby mo.

Magbasa pa

Una palang di na dapat sya tumuloy. Naospital na anak nya gala pa inuna nya. Pwede naman maulit yang gala na yan.