Hermie Anne Bugarin profile icon
PlatinumPlatinum

Hermie Anne Bugarin, Philippines

Contributor

About Hermie Anne Bugarin

Mommie of a Princess

My Orders
Posts(20)
Replies(521)
Articles(0)

HOPE THIS CAN BE AN INSPIRATION FOR MOMS WHO'S TRYING TO CONCEIVE

Share ko lang journey ko kung gaano katagal ako naghintay at hirap ko bago ako mabuntis. Sensya na medyo mahaba pero sana magsilbing inspirations sa mga nahihirapan magbuntis.? Yr 2015 of September I was diagnosed having a Dermoid Cyst na kasing laki na ng kamao. Kaya tinanggal yung left ovary ko then tinapyasan daw nya right ovary as it has also fluid in it pero hindi kasing lala ng sa kabila. Yr 2016 of January. Dun kami nagstart na magtry to conceive. However mid January nung pinaultrasound ako ulit, it was detected na lumalaki na naman yung nasa right. Nadepressed ako, unang naisip ko, paano kung tanggalin ulit, di na ako magkakaanak. Ob suggest na operahan daw ako ulit. Kung titingnan about 3mos ago lang sya nung naoperahan ako. Di ako pumayag. Instead nagresign ako to have bed rest. What I did is I switched ob then I've had to visit monthly check ups to monitor kung normal naman lahat. I started to take barley powder and capsule. One time, ultrasound showed na lumiit yung bukol. Then later on all came normal. Pinatake ako ng folic para sa paghahanda ng pagbubuntis. Then clomid for increase egg cells. Sya din nagbibigay signal kelan kami pwede mag do. Pero wala pa rin nabubuo. I switched ob again. Suggest naman nya to have my husband do sperm count. Pero ayaw ng asawa ko. They even told others na possible ako yung may problem since natanggalan ako ng isang ovary. Then yr 2017 of April kinasal kami. Before we got married napansin na namin may bukol sya sa bandang right abdomen lumalaki. Ayaw nya ipacheck up, takot siguro or dahil sa ego nya na baka nga sya ang may problema. Pero may hinala na ako na that may be the reason di kami magkababy but not setting aside all the stress and pressure na isang rason bat di kami makabuo. Then yr 2018 of Feb. Diko na napigilan nagsabi na ako sa magulang namin and same day di na sya nakawala. Pinaultrasound sya. Tama nga ako, doctor told us na eto ang possible reason di kami makabuo. He was diagnosed of Hernia. Nabablock daw daluyan ng sperm nya and ni heads up na nila kami na kahit daw maoperahan hindi din nila masisigurado na makakabuo pa kami. Upon hearing those words from the doctor he was full of guilt dahil all of them assumed na ako ang dahilan kung bakit walang nabubuo. After few days, pumayag sya na maoperahan agad. Dahil sa kalibugan ? resume do kami after a month. Then month of May di ako dinatnan. Ayoko mag pt kasi lagi ako false alarm pero lahat ng kawork ko sinasabihan na akong lumaki ang balakang even boobs. Pansin din nila every after call ko iihi ako. One late night habang nasa work, di mapakali friend ko kasi gusto nya mapatunayan na tama hinala nila. Kaya sya mismo bumili ng pt. Sa cr sa ofc ako nagpt. Sa bagal ng result akala ko wala na then biglang 2 lines. I used 3 PTK. Positive nga talaga. Sobrang hirap din ako nagbuntis. High risk. GDM; even took 2 shots of insulin a day, nagsilabasan ang severe allergies. Every other week dinudugo. Halos manirahan sa ospital. 20weeks open and short cervix na ako. Akala nila di na kakayanin ni baby. Kaya kung ano ano pampakapit binigay. Atat pa rin lumabas si baby kaya 35 weeker lang si lo. Thank God hindi naincubate. Now she's 8mos. Kaya wag mawawalan ng pag asa. It will come in the right time. Wag mainip. Tiwala lang and Enjoy every moment with your partner. Wag isipin ang pagbuo ng bata kasi dahil sa pressure and stress mas lalong wala mabubuo. Lastly, Trust in Him.☺

Read more
 profile icon
Write a reply