problema ke hubby gustong lumipat sa kanila

Mga sis. Paaask naman. Yung asawa ko kasi gusto nila lumipat kami don after manganak. Namimiss daw nya lugar nila. Ok lang naman saakin kaso yung mga tao kasi don ang ayaw ko. Me kapatid na nangtratrato ng katulong, nanay na pakiaalamera. Ang dahilan nya kasi e gusto daw nya me kalarong bata si baby pag laki laki. Andun kasi anak ng lip ng kapatid nya. At anak ng ate nya. Ayoko sana lumipat sana sa kanila. Now palang nag cacause na sya ng depression saakin. Yung una kong anak kasi namatay ng 6 mos sya sa tyan ko. Malapit saamin sementeryo at mas gusto ko padin sya nadadalaw dalaw Isa pang. Dahilan e cs kasi ako so ok daw don kasi yung room nya e me built in cr. Ako kasi dito sa bahay me 2 senior na magulang. Me sakit din tatay ko kaya gusto ko sana namomonitor ko sila. Ako lang ang anak na andito at yung kapatid ko ay ofw kaya walang titingin sa kanila. Pahingi naman po ng advise. Sana huwag nyo ako ibash kasi di ko mashare sa kapatid ko. Sa mga frends ko naman baka makarating sa asawa ko 😔 salamat po. Picture for attention po

problema ke hubby gustong lumipat sa kanila
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Una I’m sad na may mga “friends” kang di mapagkatiwalaan. :( Honestly, kapag pumasok tayo sa marriage, biblical na ang final decision ay sa husband. But that is after ninyong mapag usapan ang pros and cons. Present your thoughts sa husband mo. As for your choice na mag stay sa parents mo, I think you’re making a better choice dahil kailangan nakikita mo rin ang magulang mo dahil sa situation nila. Now what I would like to suggest pa is tignan mo rin yung positive ng suggestion ni hubby mo and I acknowledge mo yon. Wag focus lagi sa negative. Kailangan kasi marunong makisama lalo na family yan ng hubby mo, family mo na rin yan. Don’t dwell on the negative.

Magbasa pa
Related Articles