Bumuka ang tahi

Hi mga sis ako ulit to yung nagtanong before about sa bumuka na tahi medyo lumaki yung sa buka ng tahi ko galing na kami sa ob yesterday and sabi niya maghihilom din daw to and no need na tahiin ulit binigyan lang ako antibiotic and ointment. Yung sa katulad ng case ko naghilom din ba talaga yung sa inyo and ilang weeks bago naghilom. wala naman akong pain na nararamdaman sa sugat worried lang talaga ako kasi ang laki ng buka niya.

Bumuka ang tahi
74 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan yung sa cousin ko mommy, naghilom naman sa kanya. Yung gap, naging keloid scar siya. Nilagyan ng OB niya noon ng Tegaderm. Parang plaster siya dun sa tahi pang cover para di mainfect tska mabasa. Di na inaalis kapag maliligo. Hanggang sa naghilom yung bumuka saka lng inalis nung ob yung plaster. Kung wala ka mahanap na Tegaderm, try mo yung Opsite Post Op same lang sila, magkaiba lng price. Sa shopee kami nakabili, wala kasi sa mga drugstores samin. :)

Magbasa pa