Unexpected pregnancy while taking Isotretinion

May mga nabuntis pa dito na nakainom ng Isotretinion, mag second course na ako nagpalab ako at nagpositive ako sa pt Ang isotretinion ay isang gamot para sa pimples at mayroon itong vitamin a na kapag nasobrahan ka nito makakaapekto sa pagbubuntis magkakaroon ng physical o mental defects ang bata lalo na kung nasa First trimester batay sa mga pag-aaral ng mga internasyunal. Nakapagtanong na rin ako sa UK yung katumbas sa atin ay DOH sa bansa nila talagang may mga nangangalaga sa ganitong kalagayan kaso sa Pilipinas di ito prioridad. Nasa isang buwan kong nainom ang gamot at isang buwan na rin akong buntis ,Limang obgyne na ang napagtanungan ko talagang may chance na may birth defects. Alam mo naman ang society natin maiintindihan ka lang kung pareho kayo ng sitwasyon at di pa ganun kabukas ang isipan ng mga tao sa mga taong may kapansanan o sa mga person with disability may mga programa ang gobyerno pero di ito sapat Sa ibang bansa hindi pinapahintulutan na ipagpatuloy ito ,ganyan din ang payo sa akin ng mga doktor na nakausap ko sa ibang bansa ( email lang hah)

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakagamit din ako ng pang pimples tretinoin while pregnant ako kaibahan nga lang pinapahid yung sakin. 1 month or 2 na yata bago ako tumigil dahil nalaman ko buntis ako. Sa awa ni God wala naman problema sa baby ko. Sobrang nakapapraning kapag ganyan, di ako makatulog kaiisip hanggang sa may nabasa akong post same sakin na gumagamit siya the whole pregnancy yata pero walang epekto sa baby kaya medyo naibsan ang bigat ng loob ko. meron din akong nakilala na uminom siya ng pampal*g2× talaga nagkamali lang siya dahil di nya nilagay sa pwerta yung isang tablet pero naisilang nya pa rin daw baby na malusog. Wala man akong words para maibsan ang alalahanin mo, pero may miracle. Yung iba sinadya na nga pero naging okay pa rin. At kung pipiliin mo ang sinisigaw ng isip mo, mag pray ka. Yung laban kasi ay di lang para sayo kundi para din sa kanya. Di ka naging maingat alam mong active ka kaya harapin mo consequences kung ano man maging desisyon mo. Never mind kung ano nasa paligid o kung ano sasabihin nila, mas alam mo kung ano dapat.

Magbasa pa
3y ago

Naniniwala naman ako sa Diyos ,Ayaw ko po paasahin o lokohin sarili sapagkat UK na po nagsabi mga doktor na talagang may epekto po ang gamot na ininom ko lalo na pot isang buwan,gumamit din ako ng Tretinion cream sa mukha kasabay ng isotretinion na cream. May obgyne na rin n nagsabi na madedeform ang skulk lalo nat nasa first trimester ako ng pagbubuntis ko kaso sa Pilipinas kahit medical relevant hindi pinapayagan ang ganitong sitwasyon.

Yes, natandaan ko nga yan. Pinapirma pa ko ng waiver para makabili nyan at inexplain saken ng dermatologist yung side effects. Pinabili din ako ng pills to make sure na hindi mabubuntis dahil mataas ang risk for malformation po.

Opo may waiver na binigay sa akin at binanggit naman , Naghahanap ako ng kapareho kong case kaso parang wala o natatakot sila na mahusgahan ,sa atin di advisable kahit na medical relevant ang ganitong case.

Magpa Congenital Anomaly ka po if nasa 5 Months na. Dun ma-checheck lahat kay Baby if Normal lahat

3y ago

Yan din po ang suhesyon nila pero nagtanong po ako sa UK parang DOH talagang hindi maganda ang kakalabasan isa po ang isotretinion sa gamot na hindi dapat pinapainom sa magbubuntis,buntis maypagkukulang ako at sinisisi ko na sarili ko pero kaialangan ng gawan ng paraan.

ano pong nangyari sa pregnancy nyo? normal nman po ba ung anomaly scan no baby?