HOUSEWIFE LANG DAW AKO🥲🥲🥲

Hi mga momshies.. Pede po ba mag open.. 🥲🥲🥲 I am a housewife.. Nag aalaga ng 2 kids.. 1 toddler & 1 infant.. Before ako magkaanak, Ako ang breadwinner sa pamilya namin.. Hindi kami mahirap pero di din naman mayaman.. Nagkakataon lang na laging need ng pera ng pamilya ko..(sa pag-aaral ng mga kapatid ko/ puhunan sa negosyo ng mommY ko, tulong sa mga kapatid kong gipit din)..Almost 10 years na ako nagtatrabaho, pero halos lahat ng sweldo ko ay itinutulong ko sa pamilya ko.. Ngayong may mga anak nako, nagdecide ako magstop magwork para maalagaan ang mga anak ko ng ayos, dahil na rin hindi kami kumuha ng taga alaga, ayaw kasi namin magpaalaga sa iba ehh, wala naman kami makuha ibang taga alaga ng bata, ang byenan ko ay matanda na, ang ina ko namn ay may sakit sa puso, di na nya keri magbuhat at bawal mapagod, wala na din ang daddy ko.. Gusto din ng asawa ko na matutukan ko ang pag aalaga sa mga anak namin.. To make the story short, wala na ako sariling money, di na ko makatulong sa family ko.. 🥲 Sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip kung paano ko sila matutulungan sa pinansyal🥲 Yung kapatid ko nagkaroon ng sakit na need ng maintenance, pati mom ko, tapos nakabuntis pa bunso kong kapatid na di pa nakakatapos sa pag aaral🥲.. Nanghihiram pa yung kapatid ko ng pera sa negosyo nya, tapos need pa ng pinansyal para sa pang araw araw nila.. Huhu.. Sobrang sakit na ng ulo ko, diko na alam gagawin kong.. Di naman ako makabalik sa work dahil maliit pa mga anak ko at ayaw kumuha ng asawa ko ng ibang taga alaga.. 🥲🥲🥲 Haaaaaaaayyyy...

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mom guilt is real. Kahit magwork ka naman, you'll still feel guilty na hindi mo natututukan ang mga anak mo. Be kind to yourself, mommy. Kahit makabalik ka sa trabaho, I hope iprioritize mo pa rin ang asawa at anak mo, hindi ang mga kapatid mo. Naiintindihan ko na gusto mo pa rin alagaan ang family mo, but please remember na yung asawa at anak mo na ang immediate family mo ngayon. Hayaan mo ang mga kapatid mo ang dumiskarte sa buhay nila para matuto rin sila, para hindi sila kawawa kapag wala ka (tulad ng nangyayari ngayon). Kawawa rin naman asawa at anak mo kung magtatrabaho ka nga, spending time AWAY from them, tapos yung kikitain mo, hindi naman pala sila makikinabang kung di mga kapatid at magulang mo. If it's the other way around, tiyak magrereklamo ka rin kung yung pera nyo ay ibibigay lng ng asawa mo sa pamilya nya. At sino naman po nagsabi sa inyo na housewife LANG kayo? Ang kapal naman nya...

Magbasa pa
VIP Member

Hello there Momma. Thank you for sharing your story. Sana nakakapagpahinga ka pa din lalo nat madami kang isipin. Gusto ko sanang sabihin na hindi mo sila kargo pero sympre mahirap tiisin ang pamilya. Subukan mong mag open ng sari sari store if papayagan ka ng husband mo. Tapos yung sa mother mo, magtulungan kayong magkapatid, magdasal ng madami at I'm sure mairaraos din yan. Sa nabuntis mong kapatid, kung Hindi naman maselan pagbubuntis, hayaan mo syang maging responsible sa ginawa nya. Magulang na sya at hindi na bata. Bigyan mo ng responsibilidad bawat isa sa pamilya para di mabigat sa part mo. Hopefully all things will go well.

Magbasa pa

Hi, Momshie! Walang masama sa pagiging housewife. Napakahalaga ng role mo sa bahay, at hindi madali. Huwag mong ikahiya, kasi ikaw ang nag-aalaga at nagpo-provide ng stability sa pamilya. Kung may gusto kang gawin o subukan na trabaho o hobby, go for it! Walang limit sa kung anong kaya mong abutin.

Hi, Mom! Wala namang mali sa pagiging housewife, actually, malaki ang halaga ng ginagawa mo araw-araw. Kung gusto mo maghanap ng extra work o hobby, marami ding options, pero tandaan, walang maliit na trabaho sa pagiging nanay. You’re doing great!

Kung matatanda na ang kapatid mo at kaya na magbanat ng buto gagawa yan ng paraan para magkapera at makakain sila. Okay na yung 1ng dekada mo sila tinulungan. Kailangan ka ng mga anak mo. Sarili naman nila tulungan nila.

Hi mommy! Ang pagiging housewife ay isang napakahalagang trabaho. Ikaw ang gumagawa ng tahanan para sa pamilya mo, nag-aalaga, at nagsisigurong maayos ang lahat. Hindi “lang” yan, mommy. Isa kang supermom! 💪💕

Walang “lang” sa pagiging housewife. Hindi lahat kayang gawin ang ginagawa mo araw-araw. Ang pagmamahal at effort mo para sa pamilya mo ay priceless. Be proud, mommy! 🌟😊

Being a housewife is no small feat—ikaw ang heart ng pamilya! Tandaan, hindi nasusukat sa trabaho sa labas ang halaga mo. You’re doing an amazing job, mommy! 💖👏

bakit mo pinoproblema problema ng iba. aq napagod nako tumulong sa mga taong kala mo itinatae lang ang pera. pasensya na may pamilya nako mga needs ang inuuna